Nagtagumpay ang Olongapo Electricity Distribution Company, Inc. (OEDC) sa pagpapabuti sa serbisyo ng Olongapo City Public Utilities Department (OCPUD) dahil sa isa’t kalahating taon ng operasyon ay nagawa nilang isamoderno at naging episyente ang sistema ng bangkaroteng network sa elektrisidad ng Olongapo City.

Sa ulat ng OECD na nag-takeover sa OCPUD mula sa Olongapo City matapos makakuha ng prangkisa sa Kongreso at Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), ipinagmalaki nito na naiwasto ang sanhi ng system loss mula sa dating pinakamataas na 37% noong Hunyo 2013 hanggang sa 8.5% nitong Disyembre 2014. Lalong napababa ang system loss nitong Enero 2015 sa 8.44% at 8.16% nitong Pebrero 2015 na nangangahulugan na may benepisyo sa mga kustomer sa pagbaba ng ipinapasang bayarin.

 

Malaki ang naitulong para mapababa ang system loss ng OEDC sa pagpapalit ng lahat ng metro na pag-aari na ngayon ng kompanya na na-calibrate ng ERC-accredited meter shops at nilagyan ng ERC stickers bago ikabit. Pinalitan din ang sinaunang 4.16kV circuit ng mas bagong 13.8kV system kaya mas naging episyente ang pamamahagi ng koryente sa buong Olongapo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

 

Ngunit bago ang pribatisasyon ng OCPUD, masyadong abnormal ang 37% system loss kaya kumilos ang OEDC sa kampanya upang ipatupad ang RA 7832 o ang Energy Anti-Pilferage Act kaya mula sa total customer base na 44,171 noong Mayo 2014 ay umangat ito sa 47,624 kustomer noong Disyembre 2014.

 

Ayon sa OEDC, sa pagtatapos ng 2014 ay may 1,353 kaso ng mga kustomer na konektado sa kompanya ngunit walang record at 2,483 kustomer ang natuklasang may ilegal na koneksiyon.

 

Nilinaw din ng OEDC na nagkakaroon pa rin ng brownouts dahil patuloy ang kompanya sa modernisasyon na tulad ng pagpapalit ng mga poste at di-inaasahang aksidente na tulad nang masunog ang talahiban sa Kalaklan Ridge na sanhi ng power interruption sa buong lungsod.

 

“Despite these improvements power interruptions still cannot be avoided.  Interruptions are either scheduled or non-scheduled with the former needed mostly for maintenance and/or upgrading works. These are normally given seven-day advance notices.

“Unfortunately unscheduled power interruptions still happen for various reasons and these can range from fires to accidents to equipment failure.  However, it is the thrust of OEDC to respond to these incidents and restore power as fast as it can,”  pagtatapos sa ulat ng OEDC.