DÉJÀ VU ang muling paglutang ng isyu na may offer mula sa ibang network para lumipat si Michael V. Tulad noong una itong lumabas a few years ago, tempting uli ang talent fee na ibinibigay sa kanya.

Si Michael V ang main man ng Bubble Gang hindi lang sa harap ng camera kundi maging sa likod nito. Siya ang creative head ng show.

Tulad nang dati, hindi pa rin nakumbinsi ang resident comedian-writer ng GMA Network na mag-ober da bakod. Kaya muli na namang napatunayan ang loyalty niya sa Siyete.

Magdadalawampung taon na ang Bubble Gang na dati nilang pinagsamahan ni Ogie Alcasid na lumipat na sa TV5. Kahit umalis ang collaborator niya sa mga kalokohan, tuluy-tuloy pa rin ang pamamayagpag ng gag show. Dahil si Michael V nga ang utak nito.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Pinapanood pa rin tuwing Biyernes ang Bubble Gang hanggang ngayon, ganoon din ang sitcom niyang Pepito Manaloto. Katunayan na solid na ang followings ni Bitoy.

Hindi lang si Michael V ang nananatiling loyal sa GMA-7. Nabalitaan na ring inalok ng tempting offers ng ibang network maging sina Regine Velasquez, Lovi Poe, German Moreno, Raymart Santiago at Dingdong Dantes, pero hindi sila nagpasilaw sa malalaking halaga. (Dindo M. Balares)