Nadoble ang bilang ng mga lumalahok sa isinasagawa na libreng pagtuturo ng iba’t-ibang isports sa inoorganisa ng Philippine Sports Commission – Philippine Olympic Committee (PSC-POC) na Laro’t-Saya sa Parke, PLAY N’LEARN sa iba’t-ibang lungsod at probinsiya sa bansa.

Ito ay dahil sa patuloy na tinatangkilik ng publiko ang pampamilya at pampasigla ng katawang programa sa mga naitala kahapon at kamakalawa na apat na mga bagong record sa mga pinakamaraming lumahok at nagpartisipa ngayong 2015 sapul na isagawa muli nito lamang Enero.

Umabot ang Laro’t Saya sa Kawit sa pinakamaraming 624 katao na ang 437 ay sa zumba, 86 sa volleyball, 69 sa badminton at 32 sa taekwondo habang naitala din sa Laro’t Saya sa Circle sa Quezon City ang 524 na ang 20 ay senior citizen, 422 sa zumba, 36 sa chess, 14 sa karatedo, 12 sa football, 11 sa badminton at siyam sa volleyball.

Kabuuang 188 naman mula sa Laro’t Saya sa Parañaque na ang 86 ay sa zumba, 67 sa arnis, 25 sa badminton at 10 sa volleyball habang ang Laro’t Saya sa Luneta sa Maynila kahapon ay may record ding dinayo sa taong na 887 ang pumunta mula sa 674 sa zumba, 65 sa volleyball, 50 sa chess, 42 sa karatedo, 38 sa badminton at 18 sa arnis.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Isinasagawa tuwing Sabado ang Laro’t Saya sa Circle, Kawit at Parañaque habang kada Linggo sa Luneta.

Hinihintay na lamang naman ng PSC ang pagdaraos din ng programa sa Tacloban City sa Leyte, Vigan City sa Ilocos Sur at sa Kalibo sa aklan.

“Masyado lang naging busy si (PSC) Chairman (Richie) Garcia the past three weeks kaya na-pending ang tatlo pang venue although may requests na sa amin ang Tacloban, Vigan at Aklan para magkaroon doon ng Laro’t Saya,” sabi kahapon ni PSC Plans and Programs Development Division chief at PSC-POC LSP PNL project manager Dr. Lauro Domingo, Jr.

Katuwang nina Chairman Garcia, PSC executive director at LSP project director Guillermo Iroy,  Jr. at Domingo sa operasyon sa Circle sina Fred Jomes, Lina Colendrino, Warren Gabriel, Violeta Tuazon, Maita Linco, Oscar Papelera, Eric Palanca, Arnel Agdinaoay, Eddie Montalban at Jorge Sambre.

Umaasiste sa Kawit sina Alona Quintos, Anna Christine Abellana, Beth Agulan, Olive Caballero at Rudy Caparas; sa Parañaque ay sina Carol Guinay, Celia Barquez, Janet Chiu at Bonifacio Baer; at nasa Luneta naman sina Evelyn Abangan, Paul Ignacio, Conie de Guzman, Mamerto Madali, Mauricio Algodon, Jr., Montalban, Ferdinand Roñada, Richard Sena, Julia Llanto, Norberto Dinglasan at Esperanza Mauricio.