Marso 2, 1904 nang isilang si Dr. Seuss (1904-1991), na ang tunay na pangalan ay Theodor Geisel, sa Springfield sa Massachusetts. Siya ay sumikat sa pagkakaroon ng 48 libro katulad ng “The Cat in the Hat” at “Green Eggs and Ham.”

Habang siya ay nag-aaral sa Dartmouth College, siya ang nagsilbing editor sa humor magazine ng paaralan. Nag-aral din siya sa Oxford University, kung saan nakilala niya si Helen Palmer, ang kanyang unang asawa na naghimok sa kanya na maging professional illustrator.

Tinanggihan ng halos 20 publishers ang kanyang libro na pinamagatang “And To Think That I Saw It On Mulberry Street,” ngunit taong 1937, ito ay naimprenta.

Noong 1957, nailathala ang “The Cat in the Hat,” ang kanyang unang best-selling book. Ito ay pansamantalang pamalit sa mga “boring” na libro kung saan tampok ang isang makulit na pusa.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Ang kanyang kaarawan ay ipinagdiriwang bilang “Read Across America Day.”