NATUKLASAN sa bagong pag-aaral na ang mga gawaing ginagamitan ng pag-iisip ay mas epektibo sa mga nakatatandang may problema sa pagtulog kaysa paggawa ng paraan kung paano magiging kaaya-aya ang kuwarto sa pagtulog.

“These simple yet challenging meditation practices provide the opportunity for people to expand their nonjudgmental awareness of sensory experiences arising in each moment,” ani David Black, ang unang sumulat ng pag-aaral mula sa University of Southern California sa Los Angeles.

“Our findings arise from a structured mindfulness course with a skilled mindfulness instructor,” aniya. “As compared to attempting mindfulness practice for the first time on your own, you are likely to gain the most benefit from a standardized course with an experience teacher.”

Base sa mga naunang pag-aaral, nadiskubre na ang movement-based meditation programs ay nakabubuti upang mapasarap ang pagtulog, gaya ng tai chi, ngunit walang nakaaalam sa posibleng benepisyo ng non-movement meditation, inihayag ng JAMA Internal Medicine noong Pebrero 16.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa meta-analysis kamakailan, nalaman na kumpara sa ibang uri ng meditasyon, ang mindfulness meditation lamang ang may tuluy-tuloy na benepisyo sa stress-related conditions, sinabi ni Black sa Reuters Health.

Nakibahagi sa pag-aaral ang 49 na katao na nasa edad 55 pataas na madalas na masira ang tulog. Matapos ang phone interview at in-person visit, hinati sila sa dalawang grupo.

Ang isang grupo ay pinabisita sa study center sa loob ng anim na linggo para sa dalawang oras na Mindfulness Awareness Practices session. Kasama rito ang meditation, pagkain, paglalakad, paggalaw, at mga friendly at loving-kindness na gawain.

Ang isang sertipikadong guro na nanguna sa mga exercise ay nagbigay ng iba pang resources. Sinabi rin ng guro sa mga kasama na sila ay mag-meditate ng kahit limang minuto sa isang araw, at dahan-dahan itong paabutin ng hanggang 20 minuto bawat araw.

Ang isa namang grupo ay sumailalim sa sleep hygiene at education course sa loob ng anim na buwan, na natuto sila sa mga problema sa pagtulog, stress biology at stress reduction, self-monitoring ng sleep behavior, relaxation methods for improving sleep, at lingguhang behavioral sleep hygiene strategies.

Nang isukat ng mga manunuri ang kalidad ng tulog bago ang anim na linggong programa, ang karaniwang sleep quality score ay 10. Ang score na 5 o higit pa ay nangangahulugan ng madalas na pagkasira ng tulog.

Nang matapos ng 49 na kalahok ang questionnaires matapos ang pag-aaral, natukoy na mas mataas ang pagbabago ng mga nasa meditation group na umangat ang average ng 2.8 points, kumpara sa 1.1 points ng mga nasa sleep hygiene group.