Iprinisinta kahapon ang unang saksi laban kay retired Army Maj. Gen. Jovito Palparan kaugnay sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño noong 2006.

Sa pagpatuloy ng pagdinig sa kaso sa Malolos Regional Trial Court, nabatid kay Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, isang magsasaka na sinasabing dinukot din noong 2006 ang haharap bilang saksi sa kaso.

Ibinunyag ni Raymond Manalo sa kanyang testimonya kung saan sila dinala noong siya ay dinukot at kung may kinalaman ang dating heneral.

Si Palparan ay nahuli noong Agosto, 2014 matapos ang tatlong taong pagtatago sa kasong kidnapping at serious illegal detention. Kasalukuyan siyang nakadetine sa Philippine Army headquarters matapos ilipat ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa Bulacan Provincial Jail dahil sa banta sa kanyang buhay.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3