ROME (AP) – Si Michele Ferrero, ang world’s richest candy maker na ang Nutella chocolate and hazlenut spread ay tumulong sa pagpapalaki sa mga henerasyon ng Europeans at nagbigay ng kahulugan sa Italian sweets, ay pumanaw noong Valentine’s Day, sinabi ng kumpanya. Siya ay 89.

Si Ferrero, ilang buwan nang may sakit, ay namatay noong Sabado sa Montecarlo kung saan siya nakatira, habang pinalilibutan ng kanyang pamilya, ayon sa pahayag ng kumpanya.

Si Ferrero ang patriarch ng eponymous family empire na bantog sa kanyang Nutella at Ferrero Rocher chocolates. Kabilang din sa mga produkto ng kumpanya ang Tic Tacs at Kinder line of products.

Ang ama ni Ferrero na si Pietro Ferrero ang lumikha ng Nutella nang nirarasyon pa ang cocoa noong World War II. Binuksan niya ang kanyang unang chocolate laboratory sa Alba, sa northwest Piemonte region ng Italy, noong 1942. Minana ni Michele ang negosyo nang pumanaw si Pietro noong 1949.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho