Inaanyayahan ang publiko na dumalo at makiisa sa Shell Eco-Marathon Asia 2015 sa Pebrero 25-Marso 1, 2015 sa Rizal Park sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Aabot sa 130 grupo ng mga estudyante mula sa 17 bansa sa Asya—kabilang ang Pilipinas—ang maglalaban-laban ng kanilang mga eco-friendly car invention base sa layo ng lugar na mapupuntahan nang hindi gaanong gumagamit ng gasolina.

Paglalabanan din ang disenyo ng mga sasakyan, maging ang pagtutulungan ng mga estudyante sa pagbuo ng kani-kanilang imbensiyon.

Ito ang ikalawang beses na gaganapin ang kompetisyon sa Maynila simula noong 2010, at ang Pilipinas ang magiging punong-abala hanggang 2016. Inaasahang aabot sa 1,000 delegado ang dadalo mula sa iba’t ibang bansa at 40,000 ang manonood.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Sa mga interesadong dumalo, magrehistro lamang sa shellecomarathon.ph at gamitin ang entry code na GP015 upang makakuha ng libreng ticket.