MAPAGKAKATIWALAAN BA? ● Hindi nagmamaliw ang paniniwala ng pamahalaan na tatalima ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagsuko nito ng mga armas. Ito ang ipinahayag ng government peace panel kamakailan na tutuparin ng MILF ang nilagdaang bahagi ng Bangsamoro agreement sa Kuala Lumpur, Malaysia kaugnay sa protocol para sa pagsuko ng mga armas ng rebeldeng grupo. Nakatadhana nilagdaang agreement ng Independent Decommissioning Body (IDB) ang inventory, verification at validation sa pagsusuko ng mga armas.

Nakasaad sa unang bahagi ng decommissioning ang turnover ng mga high-powered firearms; ikalawa ang 30 porsyento ng armas sa oras na malagdaan ang BBL; at ikatlo ang pagkalap ng 35 porsyento ng mga ito, bago papasok sa final stage na paglikom ng lahat ng war equipment ng MILF. Ilalagay sa isang secured container ang mga armas na babantayan ng mga awtoridad. Ayon pa na bahagi ng protocol na bibigyan ng financial assistance at socio-economic programs ang mga decommissioned MILF member. Nilagdaan ang kasunduan sa Malaysia, habang nagluluksa naman sa buong Pilipinas dahil sa idineklarang national day of mourning para sa 44 na namatay na SAF trooper sa kamay ng MILF.

***

MADALING MAKAPASOK ● Sa pamamagitan lamang ng edukasyon makatitiyak ang magandang hanapbuhay. Kung matibay ang edukasyon ng isang aplikante, hindi malayong tatanggapin ito agad ng kahit na anong kumpanya. Kaya nga dinisenyo ang isang apprenticeship ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang lalong malinang ang galing ng ating mga kababayan. Ayon kay TESDA director-general, Secretary Joel Villanueva, suportado nila ang panukala sa Kongreso na magpapaigting sa apprenticeship program. “Apprenticeship requires skill development in a workplace over a period of time. This is supplemented by learnings from the classroom which leads to the mastery of the skills,” sabi ni Villanueva. Tatlo hanggang anim na buwan ang training sa loob mismo ng kumpanya o industriya ikung saan may kaukulang benepisyo, gaya ng allowance, ang mga trainees. O, di ba, natututo ka na, may allowance pa!

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3