Mayor-Estrada-Mareng-Winnie-copy

TUMANGGI ang Amerika na bigyan ng US visa si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada noong 2008 kaya mula noon ay hindi na siya nagbiyahe patungong Estados Unidos.

Ito ang inihayag ni Erap sa panayam sa kanya ni Prof. Solita Monsod sa Manila City Hall.

Ayon sa dating presidente ng Pilipinas, ang hindi pagbibigay sa kanya ng US visa ay maaaring bunsod ng naging utos niya na “all out war” laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Marso 2000.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sabi pa niya, ipinaalam sa kanya ni Defense Secretary William Cohen ang kahilingan ni noon ay US President Bill Clinton na kung maaari ay huwag ituloy ang malawakang opensiba laban sa MILF. “I cannot recall my order,” ang sagot daw niya sa opisyal.

Simula nang hindi siya bigyan ng visa ay hindi na siya nagtangka pang kumuha nito para magbiyahe sa Amerika.

Nagkuwento rin siya na sinisimulan na niya ang pagsusulat ng kuwento ng kanyang buhay. Aniya, magiging bahagi nito ang sa paningin niya ay illegal na pag-alis sa kanya sa puwesto noong 2001.

Ikinatuwa naman ni Erap ang paborableng desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case na inihain laban sa kanya ni dating Manila Mayor Alfredo Lim at ng abogadong si Alicia Risos-Vidal.

Sa harap ng desisyong ito, tatakbo pa kayang muli si Mayor Estrada bilang alkalde, o tutuparin niya ang pangako niya sa kanyang bise-alkalde na si Isko Moreno, na susuportahan niya ito bilang kandidato sa pagkaalkalde sa 2016?

Alamin ang sagot sa mga ito sa Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie ngayong Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.