Matapos ang halos 15 taon ng paghihintay, matatanggap na ng halos 800 dating tauhan ng binuwag na Integrated National Police (INP) ang kanilang inaasamasam na benepisyo matapos aprubahan ang P900-milyon budget para sa kanilang pensiyon.

Sinabi ni Director Rolando Purugganan, hepe ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Comptrollership, na naideposito na ang pensiyon para sa 785 tauhan ng INP na nagretiro noong 1991.

Saklaw ng P900-milyon pondo ang hindi nabayarang pensiyon ng mga retiradong tauhan ng INP mula 1991 hanggang 2006.

Naantala ng halos 15 taon ang pamamahagi ng pensiyon para sa mga retiradong pulis dahil sa kalituhang idinulot ng pagtatatag ng PNP matapos mabura sa listahan ng legible pensioners ang ilang benepisyaryo.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa kaso ng 785 retiradong tauhan ng INP, ang lahat ng mga ito ay sinertipikahan ng Government Service Insurance System (GSIS) bilang tunay na mga pensiyunado.