May pag-asa pa ang mga drug addict na matakasan ang masamang bisyo nila sa kusang pagsuko at paghingi ng konsultasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sumailalim sa konsultasyon at medikasyon.

“A drug user, dependent or any person who violates Section 15 (Use of Dangerous Drugs), of RA 9165, may submit himself for treatment and rehabilitation of drug dependency. The treatment and rehabilitation program helps drug dependents recover and become productive citizens living in a healthy society,” pahayag ni PDEA Director General Arturo Cacdac.

Inihalimbawa ng opisyal ang isang manlalaro ng UFC, ang light heavyweight champion na si Jon Jones, na boluntaryong sumailalim sa rehabilitation matapos magpositibo sa cocaine.

Agosto 2014 nang nakulong ang anak ng international action star na si Jacky Chan na si Jaycee at ang kasama nitong aktor na si Kai Ko dahil sa paggamit ng marijuana.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Maihahalintulad din ang naging karanasan ng aktor na si JM de Guzman na kusang-loob na nagparehab para sa panibagong kabanata ng kanyang buhay.

Ang mga interesado, ayon sa PDEA, ay kailangan lang na magsadya sa tanggapan ng Dangerous Drug Board (DDB) para magpatala at makapagsimula ng bagong buhay.