Bilyong pisong halaga ng high grade cocaine ang nasabat sa Mexican drug cartel na naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (PNP–AIDSOTF) sa isang buybust operation sa Makati City, iniuulat kahapon ng PDEA.

Base sa report ni PDEA Dir. Gen. Usec, Arturo G. Cacdac Jr, kinilala ang suspek na si Horacio Hernandez, 40, miyembro ng kilabot na Mexican Sinaloa drug cartel syndicate, at nakatira sa may Kalayaan Avenue, Makati City.

Nakuha sa suspek ang 2.5 kilo ng high grade cocaine na nakalagay sa sampung plastic na supot Nakaditine ngayon sa PDEA main headquarters sa NIA Road, Barangay Pinahan, Quezon City si Hernandez habang patuloy na iniimbestigahan kung may kasabwat ang sindikato dito sa bansa at masampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165, Dangerous Drug Act Law of 2002.

Ayon kay Cacdac, matapos nagpositibo ang kanilang surveillance operation laban sa suspek, ganap na 2:30 ng hapon ng Linggo, agad na inilatag ang buy-bust operation at nasorpresa ng mga awtoridad ni Hernandez sa inuupahang apartment sa may Kalayaan Ave., Lungsod ng Makati.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nabatid na posibleng may kinalaman ang Mexican drug cartel sa nasabat ng PDEA na 79 kilos ng shabu sa local Chinese drug cartel noong Disyembre 25, 2014 sa Lipa City, Batangas dahil isa umanong Mexican drug syndicate ang nasa likuran nito. Gayundin ang itinapon ng Chinese vessel na kilo-kilong cocaine sa karagatan ng Davao noong 2013.

Sinabi pa ni Cacdac, smuggled ang nasabat na 2.5 kilo ng high grade cocaine na ipinuslit sa Metro Manila sa pamamagitan ng transshipment sa pantalan.