TACURONG CITY - Pinaghahanap ngayon ng awtoridad ang mga responsable sa naganap na pagpapasabog ng isang improvised explosive device (IED) sa national highway sa siyudad na ito noong Martes ng hatinggabi.

Bagamat walang naiulat na nasugatan, nagdulot ng takot sa mga residente ang pagsabog sa harapan ng Sultan Kudarat State University, may 200 metro ang layo mula sa paseo ng lungsod kung saan nagtipun-tipon ang mga residente na sumaksi sa engrandeng fireworks display na pinangunahan ng lokal na pamahalaan.

Nakarekober ang mga tauhan ng Philippine Army-Explosives and Ordinance Team ng mga detonating device at explosive residue sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog, ayon kay Insp. Roel Abejero, tagapagsalita ng Tacurong City Police Station.

Sinisi ni City Councilor Rommel Jaborabon, chairman ng Public Order Committee, ang mga rebeldeng grupo na nangingikil umano sa mga may-ari establisimiyento sa siyudad sa naganap na pagsabog. (Joseph Jubelag)
National

VP Sara, itinuturing na ‘mastermind’ sa assassination plot vs PBBM – DOJ