WASHINGTON (AP)– Makaraang paningasin ni Derrick Rose ang paghahabol sa huling bahagi ng fourth quarter na tumulong din sa Chicago Bulls na mapigilan si John Wall at Washington Wizards, sumayaw si Rose habang pabalik sa bench.
Umiskor si Rose ng 6 sa 8 puntos ng Bulls matapos ang ginawang paghahabol ng koponan na nagdala sa kanila sa ikaapat na sunod na panalo, 99-91, laban sa Wizards kahapon.
Sa kanyang unang pakikipagharap kay Wall mula Enero 30, 2012, nagtala si Rose ng 25 puntos. Napanalunan ng Bulls ang lahat ng limang laro nang makaharap ni Wall si Rose.
‘’I think it was just the moment, being in the game like that, on the road,’’ sabi ni Rose. ‘’The emotional side is going to come out a little bit.’’
Makaraang makapagtala ang Washington ng 12 sunod, 10 mula kay Wall, upang kunin ang 87-86 abante sa natitirang 3:44, nag-iba ng plano ang Chicago at umiskor ng 8 sunod, ang anim ay mula kay Rose upang kunin ang 94-87 kalamangan sa huling 1:48.
‘’You saw two people go at it tonight, two good teams,’’ ani Rose.
Hindi nakapaglaro si Rose ng halos dalawang season makaraang sumailalim sa knee surgery, at nagbalik na ito sa porma.
‘’I know where I’m going to be in a couple of months. You all are going to be the ones that are going to be surprised by the way I’m going to play,’’ sabi pa ni Rose.
Pinangunahan ni Wall ang Wizards sa kanyang 18 puntos.
Na-outrebounded ng Bulls ang Washington, 52-41.
Noong Lunes, naitala ng Chicago ang franchise-record na 49 puntos sa ikaapat na yugto sa kanilang pagtalo sa Toronto, 129-120.
Tagahanga ni Wall si coach Tom Thibodeau, at natuwang panoorin ang matchup sa pagitan ng kanyang player at ng upstart Washington point guard.
‘’They’re both dynamic players, hard to guard,’’ ani Thibodeau. ‘’They’re both unselfish. They make the right plays.’’
Sinubukan naman ni Wall na i-downplay ang kanilang paghaharap ni Rose.
‘’Everybody is going to make it a big rivalry. I know every time I go against any good point guard it’s going to be a big one. It’s fun to have him back out there,’’ saad ni Wall.
Ito ang unang sagupaan ng dalawang koponan ngayong season. Tinalo ng Washington ang Chicago sa unang round ng playoffs noong nakaraang taon, 4-1.
Naipasok ni Gasol ang kanyang unang 3-pointer para sa season sa unang quarter, at isa rin ang nanggaling kay Rose sa pagtatapos ng ikalawang quarter upang ibigay sa Chicago ang 46-40.
Resulta ng ibang laro:
Cleveland 125, Minnesota 104
Indiana 96, New Orleans 84
Orlando 100, Boston 95
Atlanta 107, LA Clippers 104
Philadelphia 91, Miami 87
Brooklyn 102, Denver 96
Charlotte 108, Milwaukee 101
Portland 115, Oklahoma 111
Phoenix 124, Dallas 115