Napalapit ang Letran College sa posibleng pagbawi sa koronang nabitawan nito noong nakaraang taon matapos na talunin ang pinakamahirap na kalabang San Beda, 2-1, sa inulan na 90th NCAA Lawn Tennis Tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sariwa pa sa pagsungkit sa “first round pennant” matapos itala ang 7-1 (win-loss) record, sinandigan ng Knights ang mga panalo nina Emmanuel Fuellas kontra Peter Oterun, 6-2, 6-0, sa pangdesisyon na laro sa singles upang selyuhan ang unang panalo ng Knights sa ikalawang round.

Binigo ni Jose Nicolas ang nakasagupa na si Vincent Anida, 6-2, 6-0, sa unang singles upang ibigay sa Letran ang abante subalit agad na bumalikwas ang San Beda matapos magtulong sina Anida at John Gulto upang talunin ang pares nina Marcus at Miguel del Rosario, 4-6, 7-6, 7-6, sa doubles upang itabla ang laban.

Subalit hindi naman napigilan si Fuelles upang ibigay ang ikatlong engkuwentro para sa siguruhin ang panalo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ikalawa itong masaklap na kabiguan para sa Lions na halos isang panalo na lamang ang kailangan para walisin ang korona sa unang round bago na lamang nabigo sa San Sebastian Stags, 1-2, sa huling laro sa unang round upang dumausdos sa dalawang koponang ikalawang puwesto.

Nanatili naman ang Perpetual sa labanan para sa titulo matapos biguin ang San Sebastian, 2-1, mula sa matinding panalo ni Elbert Bacong kontra kay Victor Oro sa iskor na 7-6, 6-0.

Nagwagi rin ang Altas sa likod ni Ed Barangan, na tinalao si Francis Parangan, 6-2, 6-2, habang ang tanging panalo ng Stags’ ay mula kay Arjohn dela Cruz at Ryan Labactida, na tinalo sina Chad Bustalino at Rene Sevilla, 6-1, 6-2.

Kailangan ng Las Pinas-based school na talunin ang San Beda at Letran para makuha ang “second round pennant” upang mapuwersa ang nakakanerbioys na playoff showdown kontra Letran at kung hindi ay tuluyang iuuwi ng Knights ang korona.