Si San Juan Apostol, na ang kapistahan ay sa Disyembre 27, ay pinararangalan bilang natatanging disipulo na nanatiling kasama ni Jesus sa buong pagpapakasakit Niya. Naroon siya sa Transpigurasyon at sa Paghihirap sa Hardin ng gethsamane. Sa Huling Hapunan, siya ang humilig sa dibdib ni Jesus. Bilang natatanging apostol na tumayo sa paanan ng krus, sa kanya ibinilin ni Jesus ang pangangalaga ng Kanyang ina na si Maria. Malaking karangalan para kay San Juan apostol ang protektahan ang ina ng Diyos.

Matatagpuan si San Juan apostol sa Kasultan bilang “ang minamahal na disipulo”, ang pinakabata sa mga apostol. Siya ay tinaguriang apostle of Charity. Siya ang patron ng mga nasunog ang balat at natatanging santo na kinikilala ng mga papa bilang kanilang Patron of Friendship. Pinapayuhan ang mga mananampalataya na dumalangin sa kanya na maging kanilang gabay kapag humaharap na sila sa matitinding pagsubok sa buhay.

Isang mangingisda mula galilee, kapatid siya ni St. James the greater. Tinawag silang dalawa ni Jesus sa unang taon ng Kanyang ministeryo. gayong kapwa mabait at malumanay, sila ang tinutukoy ni Jesus bilang “mga anak ng kulog” dahil nagiging mabagsik sila kapag nagagalit. ayon sa tradisyon, pagkatapos ng Pag-akyat ni Jesus sa Langit, nangaral si San Juan ng Ebanghelyo sa Jerusalem at Ephesus (ang Turkey ngayon), nagbinyag at nagmilagro sa pangalan ni Jesus. Nagtatag siya ng maraming simbahan sa asia Minor. Naging obispo siya sa Ephesus at sumulat ng ikaapat na Ebanghelyo, tatlong Epistle, at ang Book of Revelations (apocalypse) sa Bagong Tipan. Tinalakay niya sa kanyang Ebanghelyo ang teolohiya ng eternal na pagsilang ni Kristo at ang Salita ng Diyos Ama.

Inusig siya at dinala sa Rome sa taong 96, at sa utos ni Emperor Domitian, inihagis sa kumukulong langis ngunit hindi siya nasaktan. itinapon siya sa Pathmos island sa loob ng isang taon. Sa mga huling taon ng kanyang buhay, nang hindi na niya kayang mangaral pa, dinadala siya ng kanyang mga disipulo sa madla. ang simpleng mensahe niya: “Magmahalan kayo, aking mga anak.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nalalabing buhay sa mga kapwa niya apostol, pumanaw siya sa Ephesus sa taong 100 sa edad na 95, at isang simbahan ang itinayo sa ibabaw ng kanyang libingan. Ang kanyang kapistahan ay gumugunita sa mga milagrong nagaganap taun-taon sa Ephesus, kung saan ang alikabok o pulbos, na tinatawag na manna, mula sa kanyang libingan ay pinaniniwalaang nakagagaling ng mga may sakit.