Sinisisi ni Senate President Franklin Drilon ang alegasyon ng kurapsyon sa Iloilo Convention Center (ICC) na ibinatay sa Wikipedia na nakaaabala sa pag-usad ng proyekto na dapat magamit sa 2015 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) pulong sa Iloilo City.

Inakusahan ng kurapsyon ang ICC at isa si Drilon sa mga iniimbestigahan sa Senado ni dating Iloilo Provincial Administrator Manuel Mejorada “Because of the malicious and baseless allegations against the construction of the ICC, contractors and other participants are getting afraid that their names and businesses will be the next target of lies being concocted, and that their names will be dragged into the issue,” diin ni Drilon.

Tinukoy ni Drilon ang pahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Region VI Director Edilberto Tayao, na kaya naabala ang proyekto dahil na rin sa mga isyu, kaya nagdadalwang-isip na ang mga kontraktor na lumahok sa bidding.

“It is unfortunate that just because of lies, and of spiteful and baseless allegations hurled against the project and its proponents and implementers, Ilonggos could lose the opportunity of hosting the 2015 APEC meetings, along with all the tourism and economic developments prospects that this event brings,” paliwanag ni Drilon,’’

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kanyang pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee, itinanggi na ni Drilon ang mga akusasyon laban sa kanya.