Nagkasundo ang mga senador na dapat magsumite muna ng affidavit ang sino mang nais na tumestigo sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Senator Sonny Angara, ito ay upang maiwasan ang pagsalang ng mga testigo sa pagdinig na wala namang sapat na ebidensiya sa mga isyung katiwalian na iniimbestigahan ng Mataas na Kapulungan at tanging layunin lamang ay mamulitika.

Nauna nang iminungkahi ito ni Senator Serge Osmena III ng dumalo si Manuel Mejorada, ang nagsangkot kay Senate President Franklin Drilon sa umano’y overpricing ng Iloilo Convention Center (ICC). Nang tanungin si Mejorada ni Angara kung may ebidensya ito sa overpricing, inamin nito na wala siyang pinanghahawakang katibayan at ang kanyang tanging basehan ay ang Wikipedia na ikinagulat ng mga senador.

“Well established is a citizen’s freedom of speech but anybody who goes before the committee should have done their homework as much as possible and come with supported testimony,” ayon kay Angara.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sinabi pa ng bagitong senador na hihilingin din nila kay dating Iloilo Rep. Bobby Syjuco na magbigay muna ng affidavit bago payagan na magsalita sa susunod na pagdinig. Hiniling kasi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa komite na dapat payagan si Syjuco na dumalo sa susunod na imbestigasyon na inayunan din ng mga senador.