Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang umano’y gunman sa pagpatay sa mayor ng San Carlos City sa Pangasinan at closein security nito sa pagsalakay sa pinagtataguan ng mga ito sa Jalajala, Rizal.

Sinabi ni Director Benjamin Magalong, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na natukoy nila ang pinagtataguan ni Salvador Boquiren base sa impormasyon ng isang testigo hinggil sa pagkakasangkot nito sa pagpaslang kay Mayor Julian Resuello at security escort nito na si Jojo Martinez.

Ayon kay Magalong, ang naturang testigo ay isang dating security aide ni Resuello na nasugatan din sa naganap na pamamaril sa pistahan sa San Carlos City Plaza noong Abril 2007.

Base sa ulat, natiyempuhan ng mga operatiba ng CIDG si Boquiren sa Barangay Lubo, Jalajala, Rizal noong Miyerkules ng gabi.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Inihayag din ni Magalong na si Boquiren ay isa sa pitong suspek na bumaril sa punongbayan.

Ang suspek ay naaresto base sa warrant of arrest na ipinalabas ng Las Piñas City court dahil sa umano’y panggagahasa ng isang 18anyos na kasambahay - Aaron Recuenco