Pinaiiwas ng awtoridad ang mga motorista sa sampung pangunahing kalsada sa Quezon City na sasailalim sa road reblocking ngayong weekend.

Sa isang advisory, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sinimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni ng mga kalsada dakong 10:00 ng gabi noong Biyernes, Nobyembre 7, at tatagal hanggang sa 5:00 ng umaga ng Lunes, Nobyembre 11.

Apektado ng road reblocking ang Araneta Avenue mula Maria Clara Street hanggang Quezon Avenue (ikatlong lane, southbound); Fairview Avenue mula Fairlane Street hanggang Camaro Street (unang lane, southbound); Mindanao Avenue, Catleya-Alley 15 Streets (ikalawang lane, southbound); E. Rodriguez Jr. Avenue/C5 sa pagitan ng Mercury Avenue at Eastwood Avenue.

Sarado rin sa motorista ang Quirino Highway, mula sa Teacher’s Bliss hanggang sa Camachile Street; C.P. Garcia Avenue, mula University Avenue hanggang Maginhawa Street; Commonwealth Avenue (northbound); Batasan Road, mula sa San Mateo Road hanggang sa Filinvest II; Congressional Avenue, mula EDSA hanggang Hereford Street; at Congressional Avenue extension hanggang sa Luzon Avenue.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta hanggang sa Lunes. - Anna Liza Villas-Alavaren