Magiging host sa huling yugto ng ASEAN Football Federation Suzuki Cup Trophy Tour ang Philippine men’s national football team na mas tanyag bilang Azkals ngayong buwan.

Nakatakdang idaos ang AFF Suzuki Cup Trophy Tour sa Manila sa darating na Nobyembre 17 sa Market! Market! sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ang event ay magbibigay sa fans ng pagkakataon na matunghayan ang prestihiyosong silverware trophy ng itinuturing na Southeast Asia’s premier football competition para sa national teams ng mga bansang kasapi sa rehiyon.

Dadalo rin sa isang araw na okasyon ang lahat ng mga manlalaro ng Azkals.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nauna nang naglakbay ang AFF Suzuki Cup Trophy Tour sa Vietnam, Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand.

Naging mahalagang event ang Suzuki Cup para sa Filipino football fans dahil sa torneong ito nakilala ang mga Pinoy sa larangan ng football matapos ang sorpresang semifinal run ng Azkals noong 2010 edition nito.

Sa ilalim ng paggabay ng bagong coach na si Thomas Dooley, tatangkain ng Azkals na lagpasan ang naunang naitalang semifinal finishes at makamit ang kampeonato sa unang pagkakataon.

Unang makakalaban ng Azkals ang Laos sa Nobyembre 22, kasunod ang Indonesia sa Nobyembre 25 at ang host Vietnam sa Nobyembre 28 para sa Group A.

Ang lahat ng laban ng Azkals ay gaganapin sa My Dinh Stadium sa Hanoi.