BAKUNA VS. EBOLA ● Ipinahayag kamakailan ng World Health Organization (WHO) na magkakaroon na ng bakuna pangontra sa Ebola pagsapit ng 2015. Ngunit lima pa raw na bakuna ang susubukan nila sa Marso kung effective nga. Umaasa ang WHO na maaari nang gamitin ang may 200,000 dosis ng bakuna sa kalagitnaan ng 2015. Kasabay nito ang paghimok ng WHO sa mga kumpanya ng gamot na gumawa ng milyun-milyong anti-Ebola vaccine matapos ang masidhing pag-aanalisa sa nasabing bakuna Gayunman, nagbabala ang naturang ahensiya na hindi pa tiyak kung alin man sa mga bakunang kanilang sinusubukan ang maaaring pumuksa sa nakamamatay na virus. Sa huling datos, may 4,877 na ang namamatay sa Ebola virus sa West Africa ngayong taon. “The vaccine is not the magic bullet. But when ready, they may be a good part of the effort to turn the tide of this epidemic,” ani Dr. Marie-Paule Kieny ng WHO. Sinabi na sa unang pasusuri sa ilang bakuna ay nakakita sila ng pag-asa. Magkakaroon na nga ng bakuna pangontra sa Ebola pagsapit ng 2015. Next year pa ‘yon! Ilan kaya ang mamamatay muna bago malaman kung epektibo nga ang bakuna?

ARAW NG DISIPLINA ● Kung balak mong magdala ng kutsilyo, ice pick, screw driver, hunting knife, jungle bolo, itak, baril at tirador sa pagdalaw mo sa iyong mga mahal na yumao sa sementeryo sa November 1, huwag nang magdala nang hindi ka maabala sa araw na iyon. Inatasan kasi ni PNP chief Director General Alan Purisma ang buong puwersa ng pulisya na pagpatupad ng pinaigting na security measures sa Araw ng mga Patay o Todo Los Santos, kasabay ang pagtataas nila ng full alert status.

Nakaalerto ang buong pulisya sa panahon ng All Saints’ Day na November 1 at All Souls’ Day na November Day 2 at magdaragdag ng mga pulis sa mga sementeryo, mga matataong lugar at mga transport terminal na inaasahang bubuhos ang mga pasahero. Magtatayo rin ang mga PNP ng assistance hubs at quick response teams habang ang Highway Patrol Group naman ay naatasan ding maglagay ng road safety marshalls. Kasabay nito pag-iibayuhin din ng mga awtoridad ang intelligence gathering, counter intelligence at police operations upang mahadlangan ang mga magtatangkang maghasik ng karahasan. Bukod dito, babantayan din ang mga power plants at vital installation kasama na ang mga telecommunication relay station. Para rin naman ito sa kapakanan ng lahat ng magnanais dumalaw sa mga mahal nilang yumao sa mga sementero sa mahalagang mga araw na ito. Huwag ding iwang walang tao sa bahay.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente