Inaasahang lalong tataas ang kalidad ng kompetisyon sa ika-27 edisyon ng 2014 MILO Little Olympics National Finals sa pagtatagpo ng mga nagwaging kabataan sa Visayas, Mindanao at Luzon upang pag-agawan ang nakatayang Perpetual Trophy at overall championships sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Ito ang ipinahayag nina Milo Sports Executive Robbie De Vera at Andrew Neri kasama ang regional leg organizers na sina Dr. Robert Calo (NCR), Megdonio Llamera (Mindanao), Ricky Ballesteros (Visayas) at technical director na sina Dr. Raymond Antolo at Danilo Villadolid.

"With all regional legs now completed, all of the team are focused on their campaign for the expected thrilling finale that await athletes and spectators alike," pagmamalaki ni De Vera sa pinakamahabang multi-sports tournament sa elemetarya at high school sa bansa.

Hangad ng Team NCR ang ikatlong sunod na titulo upang tuluyan nang mapasakamay ang pinag-aagawang Perpetual Trophy na sumisimbulo rin ng kanilang unang grands lam sa kasaysayan ng MILO Little Olympics.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

"I know that the other regions will do whatever it takes to win the Perpetual Trophy, but athletes from Team NCR said it is not just easy for them to give away the title," sinabi naman ni NCR organizer Robert Calo.

Iginagawad ang prestihiyosong Perpetual Trophy sa koponan na magwawagi ng tatlong sunod na kampeonato na halos abot kamay na ng Team NCR. Tanging ang rehiyon ng Visayas pa lamang ang nakagawa ng tagumpay kung saan hinablot nila ang tropeo noong 2011.

"We want to bring back the Perpetual Trophy back to where it belong," pahayag ni Ballesteros.

"We lost only by a slim margin to Team NCR in the last two editions and now we are really looking at a higher level of competition with some of our best athletes competing," giit pa nito.

Pararangalan din ng organizing MILO, bilang pinakampok na aktibidad sa selebrasyon nila ng ika-50 taon ng pagseserbisyo sa komunidad, ang 50 Most Outstanding Athletes na pinili nila sa mahigit na 1,200 atleta na nagsipagwagi ng gintong medalya upang makuwalipika sa MILO Little Olympics National

Finals.

For 27 years, the MILO Little Olympics has helped us nurture some of the country's best young athletic talent," pahayag pa ni De Vera.

"We are excited once again to witness a final that is sure to keep everyone on the edge of their seats," ayon pa kay De Vera.

Paglalabanan sa torneo, na pangunahing programa ng MILO para makatulong na makahanap ng mga susunod na henerasyon ng batang atleta at sports hero sa pagpapalakas ng kanilang athletic skills at mental discipline, ang kabuuang 13 sports.

Binubuo ito ng athletics, badminton, basketball, chess, football, gymnastics, scrabble, sepak takraw, swimming, taekwondo, tennis, table tennis at volleyball.

Opisyal naman na bubuksan ngayon sa isang magarbong seremonya ang 2014 MILO Little Olympics na suportado ng Wilson, Mikasa, Molten, Butterfly, Marathon, Smart, 2Go Travel at ang City of Marikina sa pamumuno ni Mayor Del De Guzman kung saan ay inendorso ang torn eo ng Department of Education, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.