WASHINGTON (Reuters) – Nais ng United States at ng apat pang bansa sa Europe na mahinto ang kaguluhan sa Libya.
Ayon sa pahayag ng gobyerno ng France, Italy, Germany, Britain at United States, sila ay “agree that there is no military solution to the Libyan crisis.”
Dose-dosena na ang namatay sa Benghazi sa ilang araw nang kaguluhan ng Islamic militant groups, kabilang ang Ansar al-Sharia, at pro-government forces sa pangunguna ng dating general Khalifa Haftar.
Ang mga ito ay nagsama-sama at nagpahayag na ang Libya’s “fight against terrorist organizations can only be sustainably addressed by regular armed forces under the control of a central authority.”
Binatikos din ng magkaka-alyansa si Ansar al-Sharia at sinabing “Libya’s hard fought freedom is at risk if Libyan and international terrorist groups are allowed to use Libya as a safe haven.”