LAGING HANDA ● Pumipinsala na ang Ebola virus sa maraming bahagi ng mga bansang nasa West africa. itinuring na itong isa sa pinakamalalang mga salot sa daigdig na kinabibilangan ng HiV/aids, dengue, malaria, tuberculosis, cholera, at iba pa. Dahil dito, puspusan ang ating pamahalaan, sa pangunguna ng department of Health, sa paghahanda upang labanan ang Ebola virus kung makalusot ito sa ating bansa. Kaya naman hindi na dapat pagtakhan kung may ilan sa mga lalawigan ang gumagawa ng sarili nilang hakbang upang hindi malagay sa panganib ang taumbayan. Kaya Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ngayon ng Provincial Health Office Pangasinan. ayon sa mga opisyal ng kalusugan ng lalawigan, 24 oras, pitong araw sa isang linggo silang nakaalerto upang hindi makapasok ang Ebola sa Pangasinan. Napatunayan na kasi na madaling maipakalat ang Ebola sa pamamagitan ng mga likidong inilalabas ng tao o hayop tulad ng laway, dugo, pawis at dumi.
Nadiskubre umano ang sakit na ito noong 1976 sa West africa sa sudan, nzara, Yambuku, democratic Republic of the Congo na malapit sa Ebola River na kung saan hinango ang pangalan nito. sana tularan din ito sa maraming lugar sa ating bansa upang manatiling ligtas tayo sa tiyak na kamatayan.
DISKARTE LANG IYAN ● Walang makapipigil sa mga turista na dumagsa sa albay upang masilayan ang pag-aalburoto ng bulkang Mayon o ang tuluyang pagsabog
nito. Handa sila sa maaari nilang sapitin, mapagbigyan lamang ang kanilang kuryosidad at pagkahilig sa matinding adventure. Kaya naman problemado ang mga opisyal ng albay kung paano masasawata ang mga dayuhan sa paglapit sa Mayon. May ilan kasi na kahit harangan mo pa ng sibat, gagawa ng paraan upang makalapit. Kaya upang mapagbigyan ang mga dayuhan nang hindi nalalagay sa peligro ang kanilang buhay, puwede na silang mag-volunteer sa department of social Welfare and development (DSWD). Inihayag ng dsWd na maaaring magvolunteer para sa evacuees sa albay ang mga turistang dumadagsa sa lalawigan sa harap ng nakaambang pagputok ng Bulkang Mayon. Kakatulungin sila sa repacking ng relief goods at sa paghahatid ng mga iyon sa mga apektadong residente na inilikas palayo sa mga danger zones. Ngayon, hindi lamang sila nakatulong sa ating mga kababayan kundi matatanaw pa nila mula sa ligtas na lugar ang pagiinarte ng Mayon. gayunman, kailangan pang makipag-ugnayan ng ahensiya sa lokal na pamahalaan at national disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC) para rito.