Noong 2009, hinatulan ng Federal Constitutional Court ng Germany ang electronic voting bilang unconstitutional. Sa ilalim ng prinsipyong naturang publiko ng eleksiyon, ayon sa korte, kailangang pag-aralan ng isang mamamayan ang lahat ng mahahalagang hakbang pati na ang resulta ng halalan nang walang kahit na anong karunungan ng espesyalista.

Una rito nang isang taon, sa The Netherlands, sinabi ng Dutch Korthals commission na hindi ginagarantiya ng mga voting machine ang secrecy at inanunsiyo ng pamahalaang Dutch na iaabandona nito ang electronic voting at magbabalik sa papel ang paraan ng pagboto.

Sa Brazil, kung saan mataas ang tiwala sa e-voting, nagsagawa ang High Electoral Court ng apat na araw na pag-atake sa voting system upang madiskubre ang posibleng mga kahinaan nito. Nadetermina nito ang tatlong pinakamainam na pagtatangka upang labagin ang vote secrecy – ang mga hacker na naglalambat ng electromagnetic waves na idinudulot ng electronic ballot, panghihimasok sa mga preparasyon ng pagboto, at sa voting software. Ngunit nabigo ang mga hacker na panghimasukan ang system dahil sa ipinatutupad na safety features.

Sa Pilipinas, nang ipatupad nito ang paggamit ng mga PCOS machine noong 2010 elections, maraming safety feature ang nakasaad sa kontrata ng Comelec at Smartmatic. Kabilang dito ang isang source code, digital signatures, isang ultraviolet marker, at compact flash cards. Inakusahan ang Comelec sa pagtatanggal ng lahat ng safety feature ngunit itinanggi naman nito ito at hindi naresolba. Nauwi ito sa tuluy-tuloy na anino sa mga resulta ng nagdaang halalan, partikular na sa 2013 sentatorial elections na nagbunga ng nakagugulat na pare-parehong 60-30-10 percent voting results sa maraming bahagi ng bansa.

National

PBBM sa impeachment complaints vs VP Sara: 'The timing is very poor'

Lumutang na naman ang mga pagdududa bunga ng mga ulat na kumikilos ng Comelec upang gamitin ang mga lumang PCOS machine para sa 2016 elections. Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na walang pondo ang kanyang ahensiya upang palitan ang mga lumang PCOS machine at nag-apruba ng isang rekomendasyon ng kanilang Comelec Advisory Council na gamitin ang 80,000 machine nito na nakatago sa isang bodega.

Totoo ngang masyadong magastos kung papalitan ang lahat ng PCOS machine ngunit kailangang suriin din ng Comelec ang mga mungkahi tulad ng paggamit ng manu-manong pagbibilang sa mga poll precint kasama ang electronic transmission ng mga resulta. Magbibigay ang manu-manong pagbibilang ng aktuwal na precint results na makikita ng taumbayan, kaya matutugunan nito ang pangangailangan ng transparency.

Kung, sa kabila ng lahat ng pagsisikap na huwag nang gamitin ang mga PCOS machine, kaya rin naman ng Comelec, kailangang ipatupad nito sa isang bukas at nakakukumbinsing paraan ang lahat ng safety feature na inakusahan itong isinantabi sa nagdaang halalan, lalo na sa pagbubukas ng source code sa mga awtorisadong tao, ang pagkakaloob ng isang digital signature para sa bawat machine, at ang pagkakaroon ng compact flash cards na naglalaman ng digital na imahe ng mga balota.

Maaaring hindi pa tayo handa na gumawa ng isang malaking hakbang tulad ng ginawa ng Germany at ng The Netherlands, ngunit kaya nating alisin ang mga pagdududa bunga ng nagdaang dalawang automated elections.