Sinabi kahapon ni Civil Service Commission (CSC) Chairman Francisco Duque na hindi sapilitan ang pagpapatupad ng panukalang four-day work week sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay Duque, kailangang magsumite sa CSC ang mga ahensiya ng kanilang “notice of intent and certification” para makumpleto ang requirements.

Binanggit pa ni Duque na lahat ng opisina ng gobyerno na magpapatupad ng four-day work week ay may bagong work schedule na nakapaskil sa kanilang mga nasasakupan, maging sa kanilang websites, 15-araw bago ito ipatupad.

Samantala, ipapaskil din ng CSC ang mga ahensiya ng gobyerno na magpapatupad ng 4-day work week.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Aniya, ang alternative work scheme ay hindi lang para mabawasan ang problema sa trapiko sa Metro Manila kundi para matiyak na epektibo pa rin ang mga kawani sa kanilang mga trabaho at mayroon pa rin silang sapat na panahon na makapiling ang kani-kanilang pamilya.

Idinagdag pa nito na importanteng magkaroon ng monitoring, evaluation at impact assessment sa mga tanggapan ng gobyerno.

Sa CSC Resolution No. 1401286, dapat malaman ang listahan ng “item agencies” at para ma-monitor ang implementasyon ng 4-day workweek.

Nanawagan din si Duque sa mga ahensiya ng gobyerno na magkaroon ng evaluation report na isusumite sa CSC anim na buwan o mas maaga pa matapos ang implementasyon.

Hanggang noong Martes ay wala pang ahensiya ng gobyerno na nagpahayag ng pagpapatupad ng 4-day workweek.