Setyembre 22, 1950 nang ang African-American na si Ralph Bunche ay maging unang black man na tumanggap ng Nobel Peace Prize. Isang political scientist at diplomat, pinuri siya dahil sa matagumpay niyang pamamagitan sa mga kasunduang pangkapayapaan ng bagong bansang Israel sa Egypt, Lebanon, Jordan at Syria.

Isinilang noong Agosto 7, 1903, sa Detroit, United States, pumanaw ang mga magulang ni Bunche dalawang taon makaraan silang tumira sa Albuquerque, New Mexico. Isa nang ulila, binuhay niya ang kanyang pamilya sa pagbebenta ng mga dyaryo at pagtatrabaho sa tindahan ng carpet. Nag-aral siya sa University of California sa Los Angeles, at noong 1927 ay nagtapos siyang summa cum laude.

Aktibo sa pagsusulong ng mga karapatang sibil sa Amerika, nasangkot si Bunche sa Arab-Israeli Conflict, at nagsilbing assistant ng United Nations Special Committee on Palestine.

Ginawaran din siya ng Silver Buffalo Award ng National Boy Scouts of America bago siya pumanaw noong 1971.
Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon