JORDAN, Guimaras— Simula ngayong Setyembre ay mahigpit nang ipagbabawal ng Guimaras Provincial Government ang paninigarilyo at pagamit ng plastic bags.

Ayon kay Governor Samuel Gunmarin, papatawan ng pamahalaan ng multang P500 hangang P1,500 ang sino mang makikitang sumusuway sa nasabing lokal na batas.

Bukod sa mga residente, kasama rin sa hindi dapat manigarilyo at gumamit ng plastic bags ang mga turistang dumadayo sa lalawigan.

Kilala ang lalawigan ng Guimaras sa iba’t ibang attraction ng mga baybayin nito.

National

Bagyo sa kanluran ng Palawan, posibleng pumasok sa PAR – PAGASA

Ayon kay Gunmarin, nais lamang nilang pangalagaan ang kalikasan ng lalawigan ng Guimaras dahilan para mahigpit nilang ipapatupad ang nasabing mga alituntunin. - Jun N. Aguirre