BILANG isa sa tampok na bahagi ng magkasabay na pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon at ng ika-76 naTaon ng Kasarinlan ng Angono, ang Art Capital ng Pilipinas at bayan ng National Artist sina Carlos Botong Francico at Maestro Lucio D. San Pedro nitong Agosto 19, pitong natatanging mamamayan ng Angono ang binigyan ng pagkilala ng Sanggunian Bayan. Ang parangal ay idinaos sa Angono gymnasium. Pinangunahan nina Mayor Gerry Calderon, Konsehal Elmer Deloritos, tagapangulo ng Turismo sa Sanggnian Bayan; Konsehal Jo Ann Saguinsin at Konsehal Gino Miranda.

Ayon kay Gng. Flory Diaz, ng Angono Tourism Office, ang mga pinarangalan ay sina Reisha Magadia na Sanggunian Bayan awardee dahil sa pagwawagi niya bilang Miss Teen Philippines 2014; at Randy Mariano na Dangal ng Bayan awardee dahil isa siya sa Outstanding Teachers ng Guronasyon Foundation Inc. Siya’y nagtuturo sa Regional Lead School for the Arts sa Angono.

Ang mga ginawaran naman ng Natatanging Mamamayan ng Angono ay sina Atty. Nielson Pangan, na bar topnocther noong 2013; Mariano Tolentino sa musika; Corazon De la Cruz sa women’s group; Dr. Apolonia Merced Villamayor sa Medisina. Si Dr Villamayor ay ang isa sa unang naging doktor sa Angono; at Remberto Ember Crissostomo sa Visual Arts. Si Ember Crisostomo na isa sa mahusay na pintor sa Angono ay isang aktibong miyembro ng Angono Ateliers na kasama lagi sa mga art exhibit at tagapagtaguyod ng mga proyektong pangkultura.

Bukod sa mga nabanggit na pitong awardee na binigyan ng pagkilala ng Sanggunian Bayan, pinagkalooban din ng Pagbati at Pagkilala sina Darlene Devares, ang pang-apat na finalist sa katatapos na The Voice Kids, isang timpalak sa pag-awit na inilunsad ng ABS -CBN Channel 2; Ms. Ashley Alcancia, Finalist sa Miss Earth Philippines at Ms. Edna Sanchez, bilang Magsasaka ng Taon ng Region IV.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naging mga panauhin sa magkasabay na pagdiriwang sina Rizal Gob. Nini Ynares, Vice Gob Frisco San Juan, Jr. at Representative Joel Roy Duavit, ng unang distrito ng Rizal na kinatawan ni Rizal board member Arling Villamayor.