Magpapatupad ng karagdagang oras ng operasyon ang mga power plant sa maliliit na komunidad at sa malalayong isla sa bansa bunsod ng tumataas na demand sa eletrisidad.

Paliwanag ng National Power Corporation (Napocor), mula dalawa hanggang apat na oras ang idadagdag na panahon ng kanilang Small Power Utilities Group (SPUG) para sa 20 planta nito sa Luzon, 25 planta nito sa Visayas ant walong planta sa Mindanao.

Sinabi ng Napocor, mapakikinabangan kabuuang 22,841 pamilya sa nasabing mga lugar.

“Through extension of operating hours, we hope to spur economic activities in the missionary areas, thus, improving the quality of life of our customers in far-flung islands,” pagdidiin ng Napocor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman, nilinaw ng Napocor na sa 53 na power plant, 10 pa rito ang naghihintay ng takdang panahon para sa bagong generating sets bago sila magdagdag ang operationg hours upang maiwasan ang mararanasang power outages dahil na rin sa manipis na reserba sa kuryente ng mga ito.