Para kay ex-Sen. Ninoy Aquino: “The Filipino is worth dying for.” Para kay Tita Cory: “The Filipino is worth living for.” Para naman kay PNoy: “ The Filipino is worth fighting for.” Kaygagandang slogan para sa mamamayang Pilipino.

May slogan din si ex-Pres. Ferdinand E. Marcos: “This nation can be great again.” Palakpakan ang mga tao. Sa tagal ng panunungkulan ni Apo Macoy na naging diktador at nagpakulong kay Ninoy, nagpasara sa mga newspaper publication, TV at radio station at ginawang tuta ang Korte Suprema, naging great ba o dakilang muli ang naghihirap at nagdurusang Pilipinas?

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iba na ang tono ngayon ni Vice President Jojo Binay matapos dumalo sa pagbubukas ng commemorative exhibit kaugnay ng ika-5 anibersaryo ng pagpanaw ni Tita Cory na ginanap sa Glorietta Activity Center, Makati City sa pangunguna ni PNoy. Ito ay ang “History and Her Story” photo exhibit ng icon of democracy mula sa pagkabata hanggang mapangasawa si Ninoy at naging tanging babaeng Pangulo ng bansa.

Sa okasyon, naroroon sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, Mayor Jun-Jun Binay, Ayala Corp. Pres. Fernando Zobel de Ayala at iba pa. Masaya si Rambotito, este VP Binay, dahil sa di-pag-angat ng survey ratings ni DILG Sec. Mar Roxas. Posibleng siya raw i-adopt at maging “manok” ng Liberal Party.

Ayon kay Binay, tumatanggap siya ng mga “hilaw na impormasyon” na baka siya ang piliin ni PNoy sa 2016 presidential elections; o baka mag-coalesce ang LP at ang UNA na partido niya. Kapag siya ang nanalo, tiyak na ligtas si PNoy at hindi sasapitin ang kapalaran nina Pareng Erap at Aling Maliit na parehong nakulong dahil sa kasong plunder.

Tanong ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko: “Papaano ngayon si UNA spokesman Rep. Toby Tiangco na panay ang banat sa administrasyong Aquino at sa cabinet. Ititikom na ba niya ang bibig at pupurihin ngayon si PNoy at mga KKK? Sabad ni Tata Berto: “Sabi nga ni VP Binay, in politics everything is probable. In politics, everything is possible?