Sa harap ng nakaambang krisis sa kuryente sa 2015 ay handa ang Malacañang sa pagsusulong ng iba’t ibang alternatibo na pagkukunan ng enerhiya bukod sa mga hydro o diesel-powered plant.

Una nang pinangambahan ang napipintong power crisis sa bansa sa susunod na taon kung hindi umano mabibigyan ng emergency powers si Pangulong Benigno S. Aquino III.

Magugunitang mismong si Energy Secretary Jericho Petilla ang nagrekomenda sa Pangulo na gumamit ng emergency powers para makabili o makaupa ng power generators sa layuning madagdagan ang produksiyon ng kuryente sa bansa.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pinag-aaralan na ng gobyerno ang produksiyon ng solar power, pagtatayo ng mga windmill at pagdadagdag ng mga coal power plant.
National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa