Mga laro ngayon (Fil-Oil Flying V Arena)

12pm – Arellano U vs Letran (jrs/srs)

4 pm – EAC vs Mapua (srs/jrs)

Makabangon sa kanilang natamong huling kabiguan sa kamay ng season host Jose Rizal University upang mapanatili ang kapit sa ikalawang puwesto ang tatangkain ng Arellano University sa kanilang pakikipagsagupa ngayong hapon sa Letran College sa pagpapatuloy ng 90th NCAA basektball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Hangad ng Chiefs na makabawi mula sa masaklap na 98-99 na kabiguan sa kamay ng Heavy Bombers sa nakaraan nilang laban noong nakaraang Biyernes na nagtapos sa triple overtime at nagbaba sa kanila sa barahang 5-2, panalo-talo.

Ganap na alas-2 ngayong hapon ang pagtutuos ng Chiefs at ng Knights na susundan ng laban ng Emilio Aguinaldo College at ng Mapua sa ika-4 ng hapon.

Tiyak na magsisikap na makabalik sa winning track ng Chiefs makaraang mabigo sa kanilang asam na patuloy na makasalo ng defending champion San Beda Red Lions sa ibabaw ng team standings.

Ayon kay Chiefs coach Jerry Codinera, kailangan pa ng kanyang team na matutunan ang lumaban at tumapos ng laro makaraang mawala ang naunang naiposteng double digit na kalamangan sa fourth quarter.

“We have several opportunities to put the game away but we just couldn’t take advantage of it,” ayon kay Codinera. “But every game is a learning experience for us and we hope we learned from that particular game.”

Sa kabilang dako, tatangkain naman ng Knights na maiposte ang unang back-to-back wins ngayong season sa pamamagitan ng pagtatangkang masundan ang naitalang ikalawang tagumpay, 63-61 kontra EAC Generals sa nakaraan nilang laban.

“It’s hard to play against a team coming from a loss, kasi walang nasa isip yan kundi makabawi. But we will be ready. We’ll try to ride on the momentum of this victory,” pahayag ni Letran coach Caloy Garcia.

Samantala sa tampok na laban, unahan naming makapagtala ng ikalawang tagumpay ang Generals at ang Cardinals upang makaangat sa kasalukuyang kinalalagyan nilang buntot ng team standings kung saan magkasunod ang dalawa, ang una na may taglay na barahang 1-5 at ang huli hawak ang kartadang 1-6.