OPINYON
Maaaring ito ay hyperbole ngunit asahan ang ilang aksiyon
SA ngayon ay dalawang oras ang biyahe, sakay sa kotse, mula sa Cubao, Quezon City patungong Makati, sa gitna ng rush hour sa umaga. Nitong Sabado, sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte na: “You just wait. Things will improve. Maybe, God willing, by December, smooth...
Malawakang tree planting, coastal cleanup sa GenSan
NAKATAKDANG ilunsad ng lokal na pamahalaan ng General Santos City ang panibagong yugto ng malawakang coastal cleanup at pagtatanim ng mga puno at bakawan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Environment Month.Sa pagbabahagi ni Valiente Lastimoso, pinuno ng City Environment and...
Hunyo 12, 1898, at ang patuloy nating pakikipaglaban para sa kalayaan
INAALALA at binibigyang-pugay natin ngayong araw si Pangulong Emilio Aguinaldo, na nagdeklara sa Hunyo 12, 1898 bilang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Ang 21-pahinang deklarasyon ay binasa sa bahay ni Aguinaldo sa Kawit, Cavite, at sa kauna-unahang pagkakataon, iniladlad at...
P19-M pondo para tamang pamamahala ng basura
NAGLAAN ang Department of Environment and Natural Resources - Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ng kabuuang P19.95 milyon para sa 42 local government units (LGUs) sa rehiyon ng Bicol para sa kanilang ecological solid waste management program.Sa isang panayam kay...
Mga intriga at kasaysayan
MALIGAYANG Araw ng Kalayaan sa sambayanang Pilipino! Sa ating paggunita sa ika-isandaan at dalawampu’t isang taon ng ating kasarinlan, tandaan natin na ang kalayaan ay dapat na inaaruga at ipinaglalaban sa bawat araw, ng bawat isa sa atin.oOoHindi kailanman napipirme ang...
Opisyal ng PIA, kapit-tuko sa posisyon?
ANG hirap intindihin kung bakit palasak sa ating pamahalaan ang mga opisyal na kapit-tuko sa kanilang posisyon gayung kabila-kabila na ang bintang ng katiwalian at pandarambong laban sa mga ito, ng mismong mga tauhan nilang ‘di na masikmura ang nakikita na masamang...
Kahit Limusan Araw-Araw
HANGGANG ngayon, hindi ko pa maarok ang tunay na lohika sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang programa na sinasabing makapagpapatighaw sa pagkagutom ng ating maralitang mga kababayan. Ang naturang programa na naunang ipinatupad noong panahon ni...
Public apology ni Tulfo, may mga kondisyon si Gen. Bautista
NGAYON ang ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan o Independence Day ng Pilipinas. Idineklara ni Gen. Emilio Aguinaldo na isang malayang bansa ang Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa Cavite matapos ang may 300 taong pananakop ng mga Kastila (Espanya). Noon namang Hulyo 4,...
Balakid sa pagpapatino
SA halos walang patlang na pakikipaglaban ng ating mga alagad ng batas sa mga sugapa sa illegal drugs, minsan pang lumutang ang panawagan ng iba’t ibang sektor hinggil sa paglulunsad ng sapilitang drug test. Ibig sabihin, ang naturang mandatory drug test ay isasagawa hindi...
Hindi foreign intervention
“ANG problema rito ay kanino kami magrereklamo? Sinasabi nila na pulis ang pumatay sa mga biktima, pero magrereklamo kami sa kanilang mga kapwa pulis. Kanino sila papanig? Sa kanilang kapwa pulis din. Parang nagrereklamo rin kay Duterte. Pero sino ang nag-utos sa mga pulis...