BALITA
Cancer warning sa kape, iniutos
LOS ANGELES (AP) – Determinado ang isang hukom sa Los Angeles na kailangang maglagay ang mga kumpanya ng kape ng cancer warning label dahil sa kemikal na nagpoprodyus sa roasting process.Sinabi ni Superior Court Judge Elihu Berle nitong Miyerkules na nabigo ang Starbucks...
Myanmar migrant bus nasunog, 20 patay
BANGKOK (Reuters) – Nasunog ang isang tumatakbong bus sa katimugan ng Thailand na ikinamatay ng 20 migrant workers mula sa Myanmar kahapon ng umaga, ayon sa pulisya.Sakay ng bus ang 47 manggagawa na katatawid lamang sa hangganan patungong Thailand para ilegal na...
2 driver ng 'killer' trucks, sumurender
Ni Lyka ManaloTAAL, Batangas - Sumuko na ang mga driver ng dalawang 10- wheeler truck na umararo sa isang kainan, na ikinasawi ng pitong katao sa Taal, Batangas, nitong Miyerkules ng madaling-araw. Nakakulong na sa Taal Police sina Alejandro Villena, 35, ng Barangay Magahis,...
Abu Sayyaf leader, 13 tauhan sumuko
Ni FRANCIS WAKEFIELDMalapit nang tuluyang matuldukan ang operasyon ang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan, kasunod ng pagsuko ng isa sa mga leader ng grupo at 13 tauhan nito. Idinahilan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang matagumpay na operasyon at pakikipag-usap ng...
Nagtuksuhan ng 'supot' nagtagaan
Ni Fer TaboyDalawang lalaki ang nasa malubhang kalagayan matapos na magtagaan nang magtuksuhan tungkol sa pagiging “supot” habang nag-iinuman sa Barangay Bulang, Malinao, Albay nitong Miyerkules. Sa report ng Albay Police Provincial Office (APPO), parehong ginagamot sa...
Grade 5 pupil sinaktan sa school
Ni Leandro AlboroteTARLAC CITY - Posibleng maharap sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law ang isang ginang matapos umano niyang sapukin at tirisin ang tainga ng isang Grade 5 pupil sa loob ng San Vicente Elementary School sa Tarlac City, nitong Miyerkules ng hapon. Sinabi ni...
‘Tulak’ tiklo sa buy-bust
Ni Leandro AlboroteMONCADA, Tarlac – Napaulat na muling sumabit sa kaso ng droga ang isang 39-anyos na lalaki matapos na malambat sa buy-bust operations ng pulisya sa Barangay San Pedro, Moncada, Tarlac nitong Miyerkules ng hapon. Hindi nakapalag nang arestuhin si Rogelio...
Rider dedo sa askal
Ni Leandro AlboroteTARLAC CITY - Isang motorcycle rider ang nasawi matapos itong sumemplang nang tangkaing iwasan ang isang tumatawid na asong kalye (askal) sa Sitio San Verga, Sapang Maragul, Tarlac City, nitong Huwebes ng madaling-araw. Dead on the spot si Marco Regala, ng...
16 nalambat sa illegal fishing
Ni Liezle Basa IñigoSUAL, Pangasinan - Labing-anim na katao ang inaresto ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos silang mahuling nangingisda sa Portuguese Point sa Sual, Pangasinan, nitong Miyerkules ng hapon. Kabilang sa mga nadakip si Panchito Irosa,...
P600-M pekeng pampaganda sa Tondo, Binondo
Ni Betheena Kae UniteNasa P600 milyon ang halaga ng umano’y pekeng beauty at skin care products ang nadiskubre sa dalawang bodega sa Tondo at Binondo, Maynila. Bitbit ang letter of authority mula kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, ininspeksiyon ng Enforcement and...