BANGKOK (Reuters) – Nasunog ang isang tumatakbong bus sa katimugan ng Thailand na ikinamatay ng 20 migrant workers mula sa Myanmar kahapon ng umaga, ayon sa pulisya.

Sakay ng bus ang 47 manggagawa na katatawid lamang sa hangganan patungong Thailand para ilegal na magtrabaho. Tatlo pang pasahero ng bus ang nasugatan ngunit ligtas na nakalabas.

“The driver said he saw fire breaking out from the middle of the bus, which then spread quickly,” sinabi ni Kritkanok Dan-udom, hepe ng Maetor district police station.
Internasyonal

24 tripulanteng Pinoy ng MV Hondius, sasailalim sa 42-day quarantine sa The Netherlands