BALITA
Apela ng pasahero: Pasahe ibalik sa P8
Pormal na inihain kahapon ng grupo ng mga pasahero ang isang bagong petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang muling ibaba ang minimum na pasahe sa jeepney at bus, kasunod ng serye ng big-time rollback sa gasolina. Sa petisyon sa LTFRB na...
Bagong HIV cases: 7 menor, 4 na buntis
Kabilang ang pitong menor de edad at apat na buntis sa daan-daang nahawahan ng HIV sa bansa, habang 24 naman ang iniulat na nasawi sa AIDS nito lang Setyembre. Batay sa ulat ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP) ng Epidemiology Bureau ng Department of Health...
1,500 traffic enforcers vs Christmas rush
Tinatayang aabot sa 1,500 traffic auxiliary ang itatalaga ng Metropolitan Development Authority (MMDA) at mga local government unit (LGU) sa bawat lungsod sa Metro Manila. Ito ang inihayag kahapon ni MMDA Special Task Force Operations Unit Commander Bong Nebrija. Sinabi ni...
Palit-puri sa PNP, pinaiimbestigahan
Iginiit ni Senator Leila de lima ang imbestigasyon sa sex-for-freedom o palit-puri na ginagawa ng ilang tauhan ng Philippine National Police (PNP), makaraang sunud-sunod na lumantad ang mga biktima ng umano’y paghingi ng pulis ng pabor sa mga kaanak ng kanilang mga nahuli...
Digong, nasa Singapore para sa ASEAN Summit
SINGAPORE - Dumating na kagabi sa Singapore si Pangulong Duterte upang dumalo sa tatlong araw na 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit. Dakong 8:00 ng gabi nang lumapag sa Changi Airport ang pribadong eroplanong sinakyan ng Pangulo. Nakatakda rin siyang...
46 na bus terminal, aalisin sa EDSA
Tatanggalin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang aabot sa 46 na bus terminal sa EDSA, sa Valenzuela City, at sa Sta. Rosa, Laguna. Target din ng MMDA na ilipat ang mga bus na nasa Southwest Interim Provincial Terminal (SWIPT) sa Hong Kong Sun Plaza sa...
Edad, kalusugan ni Imelda, ikokonsidera
Isaalang-alang ng Philippine National Police (PNP) ang kalagayan ni dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos kapag isisilbi nila ang warrant of arrest na ilalabas ng Sandiganbayan laban dito, kaugnay ng hatol dito ng hukuman para sa pitong bilang ng...
Pagtuturo ng Filipino at Panitikan, palalakasin
Palalakasin pa ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng Filipino at Panitikan sa ilalim ng K to 12 program ng pamahalaan. Ito ang pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones makaraang tanggalin ang mga ito sa course subjects sa kolehiyo. Hindi, aniya, maaaring basta...
P2.50 bawas sa gasolina, P2 sa diesel
Nagpatupad ng big-time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes. Sa abiso ng Petro Gazz, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay nagtapyas ito ng P2.50 sa kada litro ng gasolina, at P2.00 naman sa diesel. Hindi naman nagpahuli ang Shell,...
'Ni-rape' ng 2 pulis, may death threats
Ipinangako kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa 22-anyos na ginang na umano’y ginahasa ng dalawang bagitong pulis, na titiyakin nila ang seguridad nito kasunod ng napaulat na nakatatanggap ito ng banta sa buhay. Ito ang tiniyak ni NCRPO Director...