BALITA
Empleyado sa Caloocan, arestado matapos ‘di ideposit ang P600,000 ng kompanya
Inaresto ng pulisya ng Caloocan City ang isang empleyado ng kumpanya dahil sa umano'y pagnanakaw ng mahigit P600,000 na cash, na idideposito sana niya sa bangko noong Lunes, Hulyo 18. Kinilala ng Caloocan City Police Station (CCPS) ang suspek na si Gerardo Caraballa, 49,...
QC gov’t, NHA, magsasanib-puwersa para mailipat ang mga pamilyang nasa hazard-zone
Makikipag-ugnayan ang Quezon City government sa National Housing Authority (NHA) para ilipat ang mga pamilyang nakatira sa tabi ng mga waterway at mga hazard-prone na lugar sa lungsod. “The city will assist the NHA fulfill its mandate to relocate those living along danger...
Mayor Sotto: Aplikasyon para sa SPES, walang palakasan
Tiniyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Martes na walang magaganap na palakasan sa aplikasyon ng mga estudyante na nais makapasok sa kanilang Special Program for the Employment of Students (SPES). Nauna rito, nagpaskil ang Pasig City Public Information Office (PIO) sa...
65,190 dengue cases, naitala ng DOH mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, 2022
Patuloy sa pagtaas ang naitatalang dengue cases ng Department of Health (DOH) sa bansa. Batay sa inilabas na National Dengue Data as of July 2, 2022 (MW26) ng DOH nitong Martes, nabatid na mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, 2022 ay nakapagtala na sila ng kabuuang 65,190 dengue...
Lalaki, nahulog mula sa 16th floor ng condo tower, patay
Patay ang isang lalaki nang mahulog mula sa ika-16 na palapag ng isang condo tower sa Ermita, Manila nitong Martes ng madaling araw. Ang biktima ay nakilalang si Christian Stephen Sarmiento, nasa hustong gulang at residente ng Tower 3 ng isang kilalang condo building, na...
Tambalang Padilla at Dela Rosa, 'Batman and Robin' ng Senado?
Inilarawan ni Senador Robinhood Padilla ang tambalan nila ni Senador Ronald "Bato" Dela Rosa bilang "Batman and Robin" dahil sa pagsuporta nila para sa programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ani Padilla, maganda ang mga programa ng...
Buwan ng Hulyo, 'golden month' para sa mga kababaihang atleta
Binigyang pugay ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga ipinamalas ng kababaihang atleta sa sports ng karate, weightlifting, at football, na nagbigay karangalan para sa bansa. Sa isang pahayag, sinabi ni PSC Officer in Charge, Guillermo Iroy Jr. na sa buwan ng Hulyo,...
₱224K halaga ng shabu, nasabat sa babaeng 'tulak' sa Calamba buy-bust operation
CAMP GEN. VICENTE LIM, Calamba City, Laguna -- Nakumpiska ang nasa₱224,000 halaga ng hinihinalang shabu sa naarestong babae sa drug buy-bust operation ng pulisya, nitong Martes ng madaling araw, Hulyo 19, 2022, sa Purok 1, Villa Pansol, Barangay Pansol, Calamba City. ...
Mayor Honey: Confirmatory RT-PCR tests sa Maynila, libre pa rin
Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Martes na mananatiling libre ang confirmatory RT-PCR tests sa Maynila, lalo na ngayong patuloy pa ring dumarami ang mga taong tinatamaan ng COVID-19. Ayon kay Lacuna, ang naturang test ay maaaring i-avail sa anim na city-run...
Lalaki, patay nang mabangga ng isang van
Isang lalaki ang patay nang mabangga ng isang van sa Sampaloc, Manila nitong Lunes ng hapon. Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan lamang na nagkaka-edad ng hanggang 45-anyos, may taas na hanggang 5’5”, nakasuot ng itim na t-shirt at...