BALITA
South Korea, nagluluksa
SEOUL, South Korea (AP) — Libu-libong nagdadalamhati ang nagtipon sa Seoul upang magpaalam sa namayapang si dating President Kim Young-sam, na ang makasaysayang panalo noong 1992 election ang nagwakas sa ilang dekadang pamumuno ng militar.Nagsimula ang state funeral...
Sanggol, iniwan sa nativity scene
NEW YORK (AFP) – Isang bagong silang na batang lalaki na nakakabit pa ang pusod ang natagpuang inabandona sa Christmas nativity scene ng isang simbahan sa New York, sinabi ng pulisya noong Miyerkules.Natagpuan ng 60-anyos na custodian ang sanggol na nakabalot ng tuwalya sa...
Bushfire: Libu-libong hayop, namatay
SYDNEY (Reuters) — Labing-apat na bushfire sa paligid ng southern Australia ang pumatay sa dalawang katao, libu-libong hayop, at tumupok sa 16 na bahay, sinabi ng awtoridad.Nagsimula ang mga sunog, umabot na sa 210 km (130 milya) ang lawak, noong Miyerkules at mabilis na...
2 massacre, 15 patay
MEXICO CITY (AP) — Dalawang massacre na ikinamatay ng 15 katao sa loob ng 12 oras ang yumanig sa Honduras at nagpaiyak sa matataas na opisyal ng pulisya ng bansa, noong Miyerkules.Sinabi ng pulisya na pitong biktima ang binaril sa kabisera ng Tegucigalpa noong Miyerkules...
Ekonomiya ng 'Pinas, lumago ng anim na porsiyento
Sinabi ng mga opisyal na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng anim na porsiyento (6%) sa third quarter at tinaya ang kaparehong paglago sa buong taon.Ang pangunahing tagasulong ng ekonomiya sa third quarter ay ang service industries, na umangat ng 7.3 porsiyento. Ito ang...
2 pekeng immigration agent, timbog sa pangongotong
Dalawang lalaki, na nagpanggap na tauhan ng Bureau of Immigration (BI) upang mangotong sa isang Malaysian sa Pasay City, ang naaresto ng mga tauhan ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at BI, kamakailan.Kinilala ni BI Commissioner Siegfried Mison ang dalawang suspek na sina...
Mga biktima ng sunog, kalamidad, inayudahan
Libu-libong biktima ng sunog at kalamidad sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig na mga probinsiya ang binigyan ng tulong ng programang Gabay at Aksyon, na pinamumunuan ni Rose Solongan, isang batikang miyembro ng media.Sa selebrasyon ng ika-16 na anibersaryo ng...
Roxas, aminado na palpak ang 'Daang Matuwid'—UNA
Sa bibig na mismo ni Mar Roxas nanggaling na palpak ang gobyernong Aquino sa kampanya nitong “Daang Matuwid,” ayon sa United Nationalist Alliance (UNA).Ayon kay Mon Ilagan, tagapagsalita ng UNA, binigkas ng Liberal Party (LP) standard bearer sa presidential forum ng...
500 batang apektado ng labanan, may maagang Pamasko
Nakatanggap ng maagang Pamasko mula sa isang sa pribadong samahan ang mahigit 500 bata na naapektuhan ng digmaan sa bayan ng Hadji Mohammad Ajul sa Basilan.Layunun ng pamamahagi ng regalo ng Save the Children of War Basilan Association ang mabigyang kasiyahan ang mga bata at...
Ilagan City at Divilacan, pag-uugnayin
CITY OF ILAGAN, Isabela – Sisimulan sa unang linggo ng Disyembre ang konstruksiyon sa kalsada patungong coastal town na mag-uugnay sa Ilagan City sa Divilacan, Isabela.Sa kanilang pagdalo sa inagurasyon nitong Martes, sinabi nina Isabela 1st District Rep. Rodito T. Albano...