BALITA
'Oust Duterte' campaign, itinanggi ng pari
Mariing itinanggi ng isang pari na may kinalaman siya sa signature campaign para patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte, gaya ng ikinakalat ng isang pekeng social media site. Ayon kay Father David Reyes, kura paroko ng Saint Joseph the Patriarch Parish sa Barangay...
Ayaw padakma, bulagta
Duguang bumulagta ang isang drug suspect nang manlaban umano sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Binangonan, Rizal, iniulat kahapon. Dakong 10:00 ng umaga kamakalawa nang maglunsad ng buy-bust operation ang Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations...
2 delivery boy arestado sa pagnanakaw
Nakalimutang ibaon ang ebidensiya. Dalawang lalaki, na nagtatrabaho sa trucking service na naghahatid ng mga paninda sa isang supermarket, ang inaresto sa umano’y pagnanakaw ng shampoo mula sa produktong kanilang idi-deliver sa Sta. Mesa, Maynila, iniulat kahapon. Ayon sa...
Binistay habang naghahanap-buhay
Nagluluksa ngayon ang pamilya ng isang pedicab driver matapos itong barilin at patayin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center si Marvin Galauran, 35, ng No. 122 Elisa Street, Lerma Extension,...
'Inatake' sa Christmas party
Hindi sukat akalain ng mga katrabaho ng isang factory worker na huling party na niya ito matapos itong matagpuang walang buhay habang nagdiriwang ng Christmas party sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Valenzuela City Medical Center si Erickson...
Nang-isnab ng parak, tinodas
Sa kamatayan nauwi ang pang-iisnab sa pulis ng isang lalaki sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw. Patay na nang isugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Augusto Bulan, ng Pier 18, Vitas Street, Balut, Tondo, Maynila. Pinaghahanap na ng mga awtoridad...
Umawat sa nagwawala, patay
Nais lang tumulong, napahamak pa. Patay ang isang karpintero makaraang pagsasaksakin ng isang lalaking inawat nito sa pagwawala sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo si Romeo Agocejo, 48, ng 753-A Kagandahan Street, Tondo,...
Task Force vs private armed groups
Dahil sa sunud-sunod na political killings na umano’y kagagawan ng private armed group (PAG) sa Samar, naglunsad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ng magkasanib na Task Force na layuning disarmahan ang mga PAG sa probinsiya....
4 na tripulante naglaho sa Celebes Sea
ZAMBOANGA CITY – Hinihinalang may kinalaman ang Abu Sayyaf Group (ASG) sa pagkawala ng mga tripulante ng FB Ramona 2 habang naglalayag sa Celebes Sea sa Sulu, at pinaniniwalaang kasamang tinangay ang very high frequency (VHF) radio at global positioning system (GPS) ng...
96 naospital sa spaghetti
CEBU CITY – Mahigit 90 kataong nakibahagi sa pamumudmod ng regalong Pamasko ang isinugod sa ospital nitong Martes ng gabi sa hinalang nabiktima ang mga ito ng food poisoning. Ang mga biktima, na pawang taga-Barangay Sirao, ay dumanas ng pananakit ng tiyan, sakit ng ulo at...