BALITA
DepEd 'ready' sa 23M magbabalik-eskuwela
Nasa 23 milyong estudyante sa mga pampublikong paaralan ng Department of Education (DepEd) sa bansa ang inaasahang magbabalik-eskuwela ngayong Lunes, sa pagsisimula ng klase para sa school year 2017-2018.Itinakda ng DepEd ngayong Hunyo 5 ang pagbubukas ng klase sa lahat ng...
'Tahimik siyang tao… pero mahilig magsugal'
Nagsimulang magdala ng baril si Jessie Javier Carlos, suspek sa pag-atake sa isang hotel and casino sa Pasay City nitong Biyernes, sa trabaho matapos siyang sampahan ng kasong kurapsiyon, ayon sa dating kasamahan ng sinibak na tax expert sa Department of Finance (DoF).Sa...
High alert sa Metro Manila
Nakaalerto ang mga pulis sa Metro Manila sa harap ng mga banta mula sa mga kasamahan at tagasuporta ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Ayon kay Director General Ronald dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP), hindi niya masasabing ligtas ang Metro Manila...
Marawi crisis 3 araw na lang — Duterte
Hinimok ni Pangulong Duterte ang sambayanan na maghintay ng tatlo pang araw para tuluyan nang matapos ang mahigit 10 araw nang bakbakan sa Marawi City, Lanao del Sur.Ito ay makaraang iulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakorner na sa isang partikular ngunit...
DND clueless sa 1,200 ISIS sa 'Pinas
Sinabi kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na wala silang impormasyon tungkol sa ibinunyag ng defense minister ng Indonesia na may aabot sa 1,200 miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa Pilipinas, kabilang ang ilang dayuhan at 40 sa mga ito ay...
Barangay health worker, natagpuang patay
CARRANGLAN, Nueva Ecija - Laksa-laksang bangaw at masangsang na amoy ang mistulang nagturo sa naaagnas nang bangkay ng isang barangay health worker sa loob ng bahay nito sa Barangay Gen. Luna sa Carranglan, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng umaga.Sa ulat ng Carranglan Police...
'Di nagpahiram ng motorsiklo, tinodas
TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Nauwi sa patayan ang naging sagutan ng isang magkaibigan dahil lamang sa hindi pagpapahiram ng motorsiklo ng isa sa kanila sa Purok Mauswagon sa Barangay New Lagao, Tacurong City, Sultan Kudarat, dakong 2:30 ng hapon nitong Biyernes.Kaagad na...
'Drug dealer' kritikal sa buy-bust
LUMBAN, Laguna – Malubhang nasugatan ang isang drug dealer makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa kasagsagan ng drug bust operation, habang naaresto naman ang kasamahan niya nitong Biyernes ng hapon sa Barangay Bagong Silang sa Lumban, Laguna.Kinilala ng pulisya ang...
4 sugatan sa karambola
BAMBAN, Tarlac - Duguang isinugod ang apat na katao sa Divine Mercy Hospital makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa highway ng Barangay Anupul sa Bamban, Tarlac, nitong Mayo 31.Kinilala ni PO3 Febmier Azura ang mga biktimang sina Edison Maestre, 34, may asawa, driver...
'Tulak' dedo sa shootout
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Kamatayan ang sinapit ng isang 50-anyos na umano’y nagbebenta ng droga matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Sto. Tomas sa San Jose City, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng madaling-araw.Base sa police report sa...