BALITA
Pagpreno sa ilang probisyon ng TRAIN iginiit
Iginiit ni Senador Bam Aquino na huwag munang ipatupad ang ilang probisyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, na aniya ay lubhang nagpapahirap sa mga Pilipino.Tinukoy ni Aquino ang halos linggu-linggong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa...
Dengvaxia card pinepeke na rin
May fake na titulo ng lupa. May huwad din na marriage certificate at diploma.Ngayon pati Dengvaxia card, pinepeke na rin.Ibinunyag ni Health Secretary Francisco Duque III ang bagong katiwalian sa pagdinig ng House Committee on Appropriations noong Miyerkules.Ibinibigay ang...
Sylvia, sa Hong Kong Disneyland ang birthday celebration
NGAYON ang kaarawan ni Sylvia Sanchez na ipagdiriwang niya sa Hong Kong Disneyland kasama ang mga mahal sa buhay minus Ria at Gela Atayde na may mga prior commitments.“Forty-seven (47) years old na ako, gusto ko namang maramdamang maging bata ulit, ha-ha-ha! Sasakay ako sa...
Ama hinostage ang 2 anak
Nailigtas ng pulisya ang dalawang menor de edad sa pangho-hostage ng sariling ama sa isang simbahan sa Barangay Ajat, Iguig, Cagayan, nitong Martes.Kasalukuyang nakakulong sa Iguig police station ang suspek na si Ronie Okim Omaña, 29, pedicab driver, ng Ilang-Ilang Street,...
300,000 bata tuturukan kontra tigdas
BUTUAN CITY - Nakatakdang bakunahan ng Department of Health (DoH) ang aabot sa 300,133 bata bilang pangontra sa tigdas sa Caraga region.Puntirya ng DoH na mabakunahan ang mga batang mula anim hanggang siyam taong gulang, na residente ng anim na lalawigan sa Northeastern...
2 pulis, nagbayad ng P2.5-M ransom?
ZAMBOANGA CITY - Kumita umano ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa pagdukot sa dalawang babaeng pulis na pinalaya ng mga ito nitong Martes.Ito ang ibinunyag ng isang reliable source, na tumangging magpabanggit ng pangalan, na nagsabing nagbayad ng P2.5 milyon ang...
Batang bulag, nalunod sa ilog
GUIMBA, Nueva Ecija - Isang 13-anyos na babaeng may kapansanan sa paningin ang nahulog at nalunod sa ilog sa Barangay Partida II, Guimba, Nueva Ecija, nitong Martes ng umaga.Kinilala ni Chief Insp. Gerald Licyayom, hepe ng Guimba Police, ang biktima na si May De Guzman, ng...
'Tulak' dedo sa shootout
Patay ang isang tricycle driver matapos umanong manlaban sa mga tauhan ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO) sa buy-bust operation sa Pandi, Bulacan.Kinilala ng Pandi Municipal Police Station ang suspek na si Robin Nogoy na sinasabing kilalang tulak sa naturang...
Wanted sa droga, tiklo
LIPA CITY, Batangas - Nadakip ng pulisya ang isang most wanted nang magsagawa ng operasyon sa Barangay Marawoy sa Lipa City, nitong Miyerkules.Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Aries Alikpala, 33, tubong Lemery, Batangas at taga-Marawoy, Lipa City.Nagsagawa ng operasyon...
Binalewala ang nararamdaman, dedo
Patay ang isang stay-in helper nang hindi kumonsulta sa doktor at ipagwalang-bahala ang pananakit ng katawan sa Binondo, Maynila kahapon.Bangkay na nang madiskubre si Jomel Morta, 28, stay-in helper sa isang Chinese restaurant na matatagpuan sa 499 San Pedro Street sa...