BALITA
Unang kaso ng monkeypox sa Japan, naitala
TOKYO - Naitala na ng Japan ang unang kaso ng monkeypox virus, ayon sa ulat ng isang Japanese television station nitong Lunes. Naiulat na isang lalaking mahigit sa 30 taong gulang at taga-Tokyo ang nahawaan ng virus. Matatandaang inihayag ng World Health Organization (WHO)...
Comelec, nakapagtala ng halos 3M bagong botante sa katatapos na voter registration
Umaabot sa halos tatlong milyong bagong botante ang naitala ng Commission on Elections (Comelec) sa katatapos na voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa bansa. Batay sa datos ng Comelec na inilabas nitong Lunes, umaabot sa kabuuang...
Suspek sa pamamaril sa Ateneo, mayroong 8 warrant of arrest?
Matagal na umanong pinaghahanap ng batas ang suspek sa insidente ng pamamaril sa Ateneo de Manila University (ADMU) nitong Linggo ng hapon, ayon sa pahayag isang abogado nitong Lunes. Ayon kay Atty. Quirino Esguerra, tagapagsalita ng pamilya ng dating mayor ng Lamitan sa...
Halos 20,000 nahawaan ng Covid-19, naitala mula Hulyo 18-24
Nakapagtala angDepartment of Health (DOH) ng kabuuang 19,536 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa mula Hulyo 18 hannggang 24 o 2,791 average na kaso kada araw. Sa lingguhang National Covid-19 Case Bulletin ng DOH, ang naturang bilang ay mas mataas ng...
Ex-Zamboanga mayor, guilty sa 'pandodoktor' ng dokumento -- Sandiganbayan
Hinatulang makulong ng hanggang apat na taon ang isang dating alkalde ng Zamboanga del Norte kaugnay ng pamamalsipika ng dokumento kaugnay ng pagbili ng isang sasakyan noong 2011. Sa 30 pahinang desisyon ng Sandiganbayan, napatunayang nagkasala ang dating mayor ng Labason sa...
De kalidad na serbisyong pangkalusugan, tuloy sa Maynila -- Mayor Honey
Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes na tuluy-tuloy lang ang pagkakaloob ng lungsod ng primera klaseng serbisyong pangkalusugan sa mga residente nito. Ang pahayag ay ginawa ng alkalde makaraang tumanggap ng pinakamataas na komendasyon ang Sta. Ana Hospital (SAH)...
Militar, nakilala na ang 6 sa 8 bangkay ng teroristang NPA na nahukay sa Maconacon, Isabela
CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela -- Natukoy na ng militar ang anim sa walong bangkay ng mga miyembro ng teroristang Isabela Provincial Committee, Regional Committee -- Cagayan Valley na narekober sa Barangay Canadam, Maconacon, Isabela kamakailan. Sa ulat ng...
OCTA: Daily Covid-19 cases, posibleng umabot sa 4,000 next week
Nangangamba ang isang independent research group na umabot pa sa 4,000 ang maitatalangdaily coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa susunod na linggo. "Possible na baka umabot ng 4,000 cases per day next week sa buong bansa. Nakikita natin 'di ganun kabilis ang pagdami ng...
Bamboo, balik-Dubai para sa isang music fest sa Agosto
Babiyahe sa Dubai ang Kapamilya rock star na si Bamboo Mañalac para sa isang enggrandeng music festival sa Agosto. Sa kaniyang Instagram update, Lunes, Hulyo 25, inanunsyo ng singer na isa siya sa mga performers sa Beat The Heat Music Festival sa Dubai World Trade Center....
Lalaking nagtitimpla ng kape, patay sa pagsabog
Isang lalaki na nagtitimpla lamang umano ng kape ang patay sa isang naganap na pagsabog sa Antipolo City sa Rizal nitong Linggo ng madaling araw. Hindi na umabot pa ng buhay sa Cabading Hospital ang biktimang nakilala lang na si Fernan Fernandez dahil sa tinamong mga sugat...