Balita Online
3 patay, 1 sugatan sa ambush sa Negros Occidental
NEGROS OCCIDENTAL - Puspusan na ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pananambang saSan Carlos City nitong Linggo na ikinasawi ng tatlong katao. Sa pahayagni San Carlos City Police deputy chief, Lt. Ruby Aurita, sinisilip na nila ang mga detalye ng kaso....
Bilang ng nasawi sa bagyo sa Brazil, 152 na!
BRAZIL - Umabot na sa 152 ang naiulat na nasawi, kabilang ang 28 na bata, sa pananalasa ng bagyo sa Petropolis City. Sa ulat ng mga awtoridad sa naturang bansa, karamihan sa mga residenteng namatay ay tinangay ng flash flood at natabunan ng gumuhong lupa simula nitong...
Marcos, isnabero? 'Di pakikipagkamay sa pag-iikot sa Caloocan, idinipensa
Kaagad na dumipensa ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa umano'y pag-iwas ng dating senador na makipagkamay sa mga supporters na dumagsa sa kanilang pag-iikot sa Caloocan nitong Sabado. Reaksyon ito ng tagapagsalita ni Marcos na si Vic...
OCTA: Lucena City, 'very low risk' na sa COVID-19
Isinapubliko ng isang independent monitoring group na ‘very low risk’ sa COVID-19 ang Lucena City sa Quezon. Ito ay batay sa datos ng OCTA Research Group na ibinahagi ni Dr. Guido Davis sa kanyang Twitter account nitong Linggo. Hanggang nitong Sabado aniya ay nakapagtala...
Mahigit 800 residente sa QC, nakatanggap ng livelihood cash assistance
Nasa kabuuang 858 na residente ng Quezon City ang nakatanggap ng livelihood financial assistance nitong Sabado, Pebrero 19, mula sa "Pangkabuhayang QC" program ng lokal na pamahalaan. Ang programa, na inilunsad ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions...
Call center, ligtas sa pamamaril ng kapitbahay
Hindi napanghinaan ng loob ang isang call center agent matapos makipag-agawan ng baril sa kapitbahay na nagtangka sa kanyang buhay sa Malabon City, kaninang madaling araw, Pebrero 20. Kinilala ang biktimana si Luisito Fidel Jr., 28, residente ng Barangay Tonsuya, Malabon...
Opisyal ng barangay, binalaan laban sa ilegal na pag-endorso ng nat’l, local bets
Isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nagbabala nitong Linggo, Pebrero 20 sa mga opisyal ng barangay, lalo na ang mga barangay kapitan, laban sa pag-endorso ng sinumang kandidato para sa halalan sa Mayo 9. Nagbigay ng babala si DILG...
BenCab, higit 100 alagad ng sining sa bansa, suportado ang pres’l bid ni Robredo
Naglunsad ng virtual exhibit nitong Linggo, Pebrero 20 si National Artist for visual arts Benedicto ‘BenCab’ Cabrera kasama ang higit 100 pang alagad ng sining upang ipahayag ang kanilang suporta sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo. Ang palabas, na...
Pilipinas, nakapagtala ulit ng mahigit 1K lang na COVID-19 cases
Sa ikalawang sunod na araw, nakapagtala muli ang Department of Health (DOH) ng mahigit 1,000 lamang na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa pahayag ng DIH, umaabot lamang sa 1,712 ang mga bagong kaso ng sakit na naitala nitong Linggo, Pebrero 20, 2022. Ito na ang...
Apela ni Bautista sa gov’t: Payagang magbenta ng vitamins ang sari-sari stores
UUmapela sa gobyerno si Senatorial candidate Herbert “Bistek” Bautista nitong Linggo na payagan ang mga maliliit na tindahan na magbenta ng mga bitamina at mga gamot na hindi inirereseta upang mapagaan ang pasanin ng maliliit na komunidad na walang madaling akses sa mga...