Isang linggong suspendido ang mga klase at mga aktibidad ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa kanilang mga estudyante at mga faculty members.

Ang suspensyon ng ‘synchronous at asynchronous activities’ sa lahat ng year levels ng PUP ay inanunsyo ng pamunuan ng unibersidad nitong Biyernes ng gabi sa kanilang Facebook account.

Epektibo ang suspensyon mula Enero 10 hanggang 16, 2022 sa lahat ng sangay at satellite campuses ng unibersidad, at sakop nito ang graduate at law schools.

Sinabi pa ng PUP na ia-assess nila ang sitwasyon sa Enero 14, 2022 at saka magdedesisyon kung palalawigin pa ba ang suspensyon o hindi na.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

“The administration shall assess the situation by January 14, 2022 to decide whether or not to extend this period of suspension,” bahagi ng memorandum order na pirmado ni Vice President Emanuel de Guzman.

“Members of the faculty are instructed to move deadlines of submission of all academic requirements and to still observe our memorandum on the Easing of Academic Requirements and Grading System due to Pandemic Limitation,” anito pa.

Samantala, inanunsyo na rin ng PUP na simula sa Enero 10, 2022 ay hindi na rin papayagang makapasok sa PUP premises ang mga hindi bakunadong bisita nito.

Ang mga bakunadong indibidwal naman ay pinapayuhang magprisinta ng vaccination certificates o cards sa kanilang pagpasok.

“We also encourage all our stakeholders to strictly follow the minimum health and safety protocols and practice social distancing while inside the University,” paabiso pa nito.

Mary Ann Santiago.