Balita Online
Free rides sa EDSA Busway, muling epektibo sa ilalim ng Service Contracting Program ng gov't
Ipagpapatuloy ng Department of Transportation (DOTr) ang ikatlong yugto ng Service Contracting Program ngayong Lunes, Abril 11, na naglalayong tulungan ang sektor ng transportasyon at ang mga commuter sa gitna ng mga suliraning pang-ekonomiya na bunga ng Covid-19...
Lalaking may kaso ng pagpatay, nagtangkang kumuha ng police clearance; timbog!
Nakakulong ang isang lalaking nagtangkang kumuha ng police clearance matapos lumabas sa rekord ng pulisya na mayroon siyang standing arrest warrant para sa kasong pagpatay anim na taon na ang nakararaan sa Northern Samar.Sinabi ni Brig. Gen. Jones Estomo, direktor ng Police...
Planong alisin deployment ban sa Middle East, tinutulan
Ibinasura ng isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mungkahing tanggalin na ang ipinaiiral na deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan.Katwiran ni Labor Attaché Alejandro Padaen ng Philippine Overseas Labor Office...
Puna ni Kris na 'wag niyo iboto 'ex' ko: 'Nakatutulong sa kampanya ko' -- Bistek
CEBU CITY - Naniniwala si senatorial candidate Herbert Bautista na malaking tulong sa kanyang kampanya ang puna sa kanya ni Kris Aquino na, "huwag niyo iboto 'ex' ko" kamakailan.Kahit walang binanggit na pangalan, batid na ng publiko na si Bautista ang tinutukoy ng...
'Agaton' nag-landfall sa Eastern Samar -- PAGASA
Hinagupit ng bagyong 'Agaton' ang bahagi ng Eastern Samar nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).Sa pahayag ng PAGASA, partikular na binayo ng bagyo ang Calicoan Island sa Guiuan dakong 7:30 ng...
4.4-magnitude na lindol, tumama sa Eastern Samar
Naitala ang 4.4-magnitude na lindol sa Eastern Samar bandang 9:23 ng umaga ngayong Sabado, Abril 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).PhivolcsAng epicenter ng lindol ay naitala sa 25 kilometro ng Hilagang Silangan ng Eastern Samar na may...
Boosted population sa Muntinlupa, nasa 121,000 na!
Mahigit 121,000 indibidwal na ang nakatanggap ng kanilang booster shots sa Muntinlupa City.Batay sa datos ng City Health Office, noong Abril 6, nasa kabuuang 121,428 indibidwal ang nabigyan ng kanilang booster shot.Ang kabuuan ay katumbas ng 25 porsiyento ng 486,037 na ganap...
100% passing rate! UP Manila, nanguna sa April 2022 Pharmacist Licensure Exam
Nanguna ang University of the Philippines (UP) Manila sa April 2022 Pharmacist Licensure Exam na may passing rate na 100 percent, inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Biyernes, Abril 8.Ang De La Salle Medical and Health Sciences Institute, sa kabilang...
Umano'y grupo na naglilibot para mandukot ng teenagers sa Iloilo, fake news! -- PRO 6
ILOILO CITY — Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang katotohanan ang balitang isang grupo ang naglilibot at may layuning mandukot ng mga teenager sa lungsod at lalawigan ng Iloilo.‘It’s not true. This is fake news,” sabi ni Lieutenant Colonel Arnel...
DOT, nakapagtala ng higit 200k dayuhang turista mula nang buksan borders ng bansa
Mahigit 200,000 dayuhang turista ang dumating sa Pilipinas mula nang muling buksan ang boders nito para sa mga biyahero mula sa lahat ng bansa noong Abril 1, sinabi ng Department of Tourism (DOT) noong Biyernes, Abril 8.Sinabi ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na nasa...