Nanguna ang University of the Philippines (UP) Manila sa April 2022 Pharmacist Licensure Exam na may passing rate na 100 percent, inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Biyernes, Abril 8.

Ang De La Salle Medical and Health Sciences Institute, sa kabilang banda, ay pumangalawa pangalawa na may passing rate na 84.62 percent.

Samantala, sinabi ng PRC na 678 lamang sa 1,870 examinees ang nakapasa sa pagsusulit na ibinigay ng Board of Pharmacy sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legaspi , Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga noong Abril 2022.

Si Adriel Luigi Garcia Coseip ng UP Manila ang nakakuha ng pinakamataas na puwesto sa licensure exam na may rating na 91.63 percent.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Charlie Mae F. Abarca