Balita Online
Libreng silip sa UK museums
Disyembre 1, 2001 nang itigil ng English national museums ng United Kingdom ang paniningil ng mga admission fee, bilang resulta ng pangkalatahang eleksiyon sa bansa. Sa ngayon, may mahigit 50 national museum sa UK ang libreng pasukin at libutin. Ang mga museo na...
'Goodbye, South Vietnam'
Disyembre 12, 1969 nang lisanin ng Philippine Civic Action Group, na binubuo ng 1,350 lalaki, ang South Vietnam. Kabilang sila sa Free World Military Forces na binuo ni dating United States (US) President Lyndon Johnson upang humikayat ng mas maraming kaalyado para sa South...
'Western Decadence'
Disyembre 11, 1969 nang sabihin ng Moscow writer’s union secretary na si Sergey Mikhalkov na ang nudity na tampok sa play na “Oh! Calcutta!” na itinanghal sa New York ay simbolo ng “western decadence.” Idinagdag na ang dulang “bourgeois” ay may negatibong...
Pagsunog ni Luther sa Papal writings
Disyembre 10, 1520 nang silaban ni Martin Luther (1483-1546), tinaguriang “Father of Protestantism,” ang iba’t ibang papal decrees, ang teksto ng Canon Law, at ang Eck and Emser sa Wittenberg, Germany. Kasama rin sa mga sinunog ang kopya ng papal bull na “Exsurge...
Pagtatapos ng repair mission
Disyembre 9, 1993 nang matapos ang makasaysayang repair mission ng Hubble Space Telescope (HST). Ito ay naging matagumpay, ang isinagawang pagsasaayos ay kinapapalooban ng iba’t ibang space walks, at tinapos nina Story Musgrave at Jeffrey Hoffman ang pinakamahabang misson...
Paglipat sa Taiwan
Disyembre 8, 1949 nang ilipat ni noon ay Kuomintang (KMT) leader Chiang Kai-shek ang pangasiwaan ng gobyernong KMT sa Taipei, Taiwan mula sa Nanjing, China, makaraang makubkob ng mga Komunista, sa pangunguna ni Mao Zedong, ang mainland China.Pinlano ng mga Komunista na...
Encyclopedia Britannica
Disyembre 6, 1768 nang mailathala ang unang volume ng Encyclopedia Britannica’s first edition bilang “A Dictionary of Arts and Sciences, compiled upon a New Plan,” sa Edinburgh, Scotland. Ang encyclopedia ang pinakamatandang English-language encyclopedia na mabibili pa...
Pagkakadiskubre sa Epimetheus
Disyembre 18, 1966 nang madiskubre ng American astronomer na si Richard Walker ang buwan sa Saturn na tinawag na Epimetheus. Ito ay kilala rin sa tawag na “Saturn XI”, na ipinangalan sa Greek mythological character na si Epimetheus.Namataan ni Audouin Dollfus, isang...
Sunog sa Brazil Circus
Disyembre 17, 1961 nang mamatay ang halos 323 katao at 600 naman ang sugatan sa nangyaring sunog sa Gran Circo Norte Americano, ang Brazilian counterpart ng Ringling Brothers, sa Niterio, Rio de Janeiro sa Brazil. Nagsimula ang sunog sa kasagsagan ng performance ng mga...
Pagsuko ng Pakistan
Disyembre 16, 1917, nang sumuko ang pinuno ng puwersang Pakistani na si General Amir Abdullah Khan Niazi kasama ang 93,000 tropa, sa puwersa ng India at ng Mukti Bahini, na pinamunuan ni General Jagjit Singh Aurora. Matapos noon ay naging malayang bansa na ang East Pakistan,...